Makati City, nagsimula na nang door-to-door na pamimigay ng gamot at pagkain

Makati City, nagsimula na nang door-to-door na pamimigay ng gamot at pagkain

- Nagsagawa ng door-to-door delivery ang lokal na pamahalaan ng Makati City para sa mga residente nito

- Sila ay nagsimula na mamigay ng mga maintenance na gamot ng mga senior citizens

- Bukod dito ay namigay na rin sila ng food packs para sa mga estudyante ng ilang barangay

- Pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan na manatili na lang sa bahay ang mga taga-Makati upang makaiwas sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na nagsimula na silang mamigay ng mga gamot at pagkain sa mga residente nila.

Nalaman ng KAMI na pumupunta sa bawat bahay ang mga empleyado ng lokal na pamahaalan upang mapanatiling ligtas ang mga residente.

Ayon sa Facebook page ng My Makati, nagsagawa na ng door-to-door delivery service ang lokal na pamahalaan para sa maintenance na gamot ng mga senior citizens.

“Muling pinapaalalahan na iwasan nang lumabas ng bahay upang kayo ay manatiling ligtas,” sabi nito sa Facebook post.

Samantala, namimigay na rin ang Makati ng food packs para sa mga mag-aaral na taga-Barangay San Antonio at Barangay La Paz.

“Ipinag-utos ni Mayora Abby ang agarang pamimigay nito sa mga estudyante at kanilang mga pamilya upang makatulong sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon,” sabi sa post.

Kailangan ipakita ng mga estudyante ang kanilang I.D. bilang katibayan bago nila makuha ang food pack.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na dumagsa ang tulong para sa mga health workers ng Makati Medical Center na buwis buhay ang pagtulong sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19).

Noong ika-15 ng Marso ay sumailalim sa community quarantine ang lungsod ng Makati. Nagpatupad na rin ng curfew ang lungsod mula 8 p.m. hanggang 5 a.m.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI had a hilarious time with some Kapuso Stars who took on our Tricky Questions Challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel