Pasyente sa Quezon City na positibo sa coronavirus, nawawala -Belmonte

Pasyente sa Quezon City na positibo sa coronavirus, nawawala -Belmonte

-Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang isang pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease sa Quezon City na nawawala

-Ayon sa ulat, nagpatingin sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) ang naturang pasyente na isang lalaki

-Ngunit nang puntahan na ito ng mga awtoridad sa ibinigay nitong address ay napag-alamang hindi ito roon nakatira

-Itinanggi rin ng pamilya sa ibinigay nitong address na mayroon silang kaanak na nawawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaking residente sa Quezon City ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos itong magpositibo sa coronavirus disease 2019.

Batay sa pahayag ni Mayor Joy Belmonte, nagpatingin sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) ang naturang pasyente kung saan nakumpirma na mayroon nga itong COVID-19.

Ngunit nang puntahan na ito ng mga awtoridad sa ibinigay nitong address ay napag-alamang hindi ito roon nakatira.

Itinanggi rin ng mga nakatira sa naturang address sa Barangay Tandang Sora na doon nakatira ang lalaki at wala rin daw silang kaanak na nawawala.

"Napakahalagang hanapin natin siya because now we have a positive patient on the loose and alam naman natin how dangerous this disease is and we really have to get him back into our custody," ayon kay Mayor Belmonte sa naging panayam dito ng media.

Batay sa isang ulat ng ABS-CBN News, hindi malinaw kung paano nakaalis sa ospital ang lalaki.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng "extreme enhanced community quarantine" ang bahagi ng dalawang barangay sa lungsod na nakitaan ng ilang kaso ng COVID-19.

Batay sa mga ulat, 29 na ang positive case ng coronavirus sa QC at mayroon nang isang nasawi.

Samantala, nakapagtala naman ng 217 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang kahapon, Marso 19, ayon sa Department of Health.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, pumanaw ang singer na si Joey Bautista mula sa bandang Mulatto, at hinihinalang dahil ito sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel