Italy, nalampasan na ang China sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19

Italy, nalampasan na ang China sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19

- Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa Italy

- Kahapon, Marso 19, nalampasan na nito sa death cases ang China kung saan pumalo na sa 3,405 ang namamatay sa Italy habang 3,248 naman ang sa China

- Dahil dito, idineklara na ng World Health Organization na ang Italy na ang bagong episentro ng COVID-19 outbreak sa mundo

- Nagpadala na rin ang China ng mga medical experts patungong Italy upang makatulong sa kanilang kinakaharap nilang suliranin dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos i-anunsyo ng China kahapon, Marso 19 na wala na silang bagong kaso ng pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019, lumabas naman ang balitang nalampasan na sila ng Italy pagdating sa bilang ng mga nasawi dahil sa kinatatakutang virus na ito.

Base sa ulat ng CNN Philippines, 3,405 na ang huling bilang ng naitalang pumanaw dahil sa COVID-19 sa Italy habang 3,248 naman ang sa China.

Ang masaklap, malalaking bilang ang nadaragdag dito sa araw-araw.

Sa mga larawang ibinahagi ng Daily Mail, ilang trak na laman at mga bangkay ng mga nasawi sa COVID-19 sa Italy, ang araw-araw na dinadala sa crematorium upang diretso na ito ma-cremate.

Tulad ng unang naiulat ng KAMI, naibahagi ng isang anak ng namatay sa COVID-19 na namaalam sa mundo ang kanyang ina na mag-isa dahil di nila ito pwedeng dalawin, hindi rin ito pwedeng i-burol dahil diretso na ito sa proseso ng cremation.

Ayon naman sa World Health organization, Italy na ang bagong episentro ng COVID-19 outbreak sa mundo.

Sa ulat ng The Wall Street Journal, nakarating na sa Italy ang medical team at supplies mula China. Ito ay upang matulungan ang bansa na maibsan ang di halos mapigilang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Samantala, kasalukuyan nang 217 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 17 na ang pumanaw at walo naman ang naitalang naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel