8 construction workers na naglakad mula Maynila hanggang Pangasinan, maayos na nakauwi

8 construction workers na naglakad mula Maynila hanggang Pangasinan, maayos na nakauwi

- Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community lockdown, naisipan nang lakarin ng tatlong construction workers mula Maynila hanggang Pangasinan

- Nagawa nila ito dahil kasama rin sa inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pagbabawal ng mga public utility vehicles na pumasada pa

- At dahil wala na rin silang pasok, sinamantala nilang umuwi na lamang sa kanilang probinsya upang makasama ang kanilang pamilya

- Nakarating sila sa Bulacan at doon may nagmalasakit sa kanilang pulis at naihatid na sila hanggang Nueva Ecija

- Kasalukuyan nang sasailalim sa 14 na araw na self-quaratine ang walo upang masigurong di nakapagdala ang mga ito ng COVID-19 sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng maraming netizens sa walong construction workers na naisipan nang lakarin mula Maynila hanggang Pangasinan makapiling na lamang ang kanilang mga pamilya habang naka-enhanced community quarantine pa ang buong Luzon.

Sa ulat ni Joanna Tacason ng ABS-CBN, binahagi ni Jerry Estacio, isa sa walong construction workers na naisipan nila ito mula nang i-deklarang wala na silang pasok sa trabaho noong Marso 16 ng hapon dala ng nasabing community quarantine upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Ang masaklap pa nito, kinagabihan ding iyon ay ipinagbawal na rin ang mass public transportation kaya naman wala na silang nasakyan.

Halos limang minuto lamang ang ginagawa nilang pahinga sa daan para kumain at diretso na muli sila sa paglalakad.

Nang makarating sila sa Bulacan, isang pulis ang nagmalasakit na pasakayin na sila at maihatid hanggang Nueva Ecija.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

8 construction workers na naglakad mula Maynila hanggang Pangasinan, maayos na nakauwi

source: Princess Collaiyne
Source: Facebook

Mula roon, naglakad na muli sila hanggang Geron kung saan sinundo na sila ng kapitan ng kanilang barangay.

Malaking bagay daw na naisabay sila ng pulis dahil napadali ang kanilang pag-uwi.

Pagkarating sa kanilang lugar, agad silang sinuri sa Municipal Health Office at sinabing nasa maayos naman silang kalagayan.

Samantala, sasailalim pa rin sila sa 14-day quarantine upang masigurong di sila nakapitan ng COVID-19. Lahat kasi sila ay pawang mga persons under monitoring dahil mula sila sa Maynila kung saan nagmumula ang karamihang bilang ng kumpirmadong kaso.

Sa unang ulat ng KAMI, nabanggit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sinabi na ng pangulo na tulungan ang mga na-stranded na mamamayan na makauwi sa kanilang bahay.

Isa ito sa mga bagong direktiba ng pangulo matapos na makita ang naging epekto ng ngayo'y tinatawag na niyang "Luzon Lockdown."

Ayon kasi sa Department of Health, umabot nasa 217 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kasama na rito ang 17 pumanaw at 8 nanaka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel