Iwas COVID-19: Mga walang tirahan sa Roxas Blvd., nabigyan ng masisilungan

Iwas COVID-19: Mga walang tirahan sa Roxas Blvd., nabigyan ng masisilungan

- Nasagip ang mga 'homeless' sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila sa gitna ng Luzon Lockdown na ipinatupad ng gobyerno

- Bahagi kasi nito ang curfew kung saan wala na dapat tao sa kalsada pagpatak ng alas otso ng gabi hanggang alas singko kinabukasan

- Paano nga naman daw sila susunod sa panukalang manatili sa mga tahanan kung wala silang tahanan

- Naaksyunan agad ito ng kanilang lokal na pamahalaan at nailipat sila sa Delpan Sports complex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nailikas na ang mga walang tirahan na nanatili lamang sa kahabaan ng Roxas boulevard sa Maynila sa gitna ng "enhanced community quarantine" na ngayo'y tinatawag nang Luzon Lockdown na ipinatupad ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19.

Binahagi ng Philippine Star ang mga larawan kung saan naapulahan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang sitawasyon ng ating mga kababayan doon na walang masilungan at walang tirahan.

Makikita pa sa mga larawan na mayroon pang may mga sakit na naisalba na rin lalo pa at labis na mapanganib ang lagay nila kung sila ay tamaan pa ng nakamamatay na virus.

Maalalang sa naunang ulat ng KAMI, isang netizen ang nakakuha ng video ng isa sa mga 'homeless' sa may Manila Bay na naglabas ng kanyang saloobin patungkol sa kalagayan nila sa Luzon Lockdown.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masama ang loob ng 78-anyos na lalaking nagpakilalang si Lamson dahil pinauuwi raw umano sila ng mga sundalong naroon ngunit paano nga naman sila susunod sa mga ito kung wala silang tirahan.

Tila nakinig ang pamunuan ng Lungsod ng Maynila sa mga hinaing na ito kaya naman agad silang napasundo.

Subalit, sa ulat ng GMA news, di naging madali sa iba ang paglikas na ito dahil mayroon pa ring nais na manatili lamang sa nasabing lugar.

Dinala ang mga walang tirahan na ito sa Delpan Sports Complex sa Maynila.

Samantala, sa huling Case Bulletin na inilabas ng Department of Health, kasalukuyan nang may 217 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 17 na ang pumanaw at 8 naman ang naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel