Ayon kay Panelo: Pangulong Duterte, may solusyon sa mga hinaing ng Pinoy ukol sa "Luzon Lockdown"

Ayon kay Panelo: Pangulong Duterte, may solusyon sa mga hinaing ng Pinoy ukol sa "Luzon Lockdown"

- Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hinaing ng karamihang Pilipino patungkol sa nagaganap na lockdown sa Luzon

- Marami ang na-stranded at napilitang maglakad ng ilang oras upang makarating sa kanilang mga tahanan

- Marami din daw ang mga Pilipinong nangangambang magutom sa mga susunod na araw dahil hindi sila makakapag-hanapbuhay dala ng lockdown

- Ayon sa Pangulong Duterte, nararapat lamang daw na ihatid pauwi ang mga na-stranded at walang masakyan at nanawagan na rin daw sa mga establisyimento ang pangulo na pakainin ang mga nagugutom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hinaing at sitwasyong kinakaharap ng mga karamihang Pilipino kaugnay sa ipinatupad nitong 'enhanced community lockdown' noong Marso 16 ng gabi,

Sa panayam kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ng ANC, sinabi nitong may direktiba na ang pangulo sa mga di magagandang nangyayari sa ilan nating kababayan.

Isa sa pinag-usapan nila sa pulong kasama ang inter-agency task force ang mga na-stranded sa biglaang pag-anunsyo ng enhanced community quarantine.

Sinabi ng Pangulo na lahat ng mga na-stranded ay natulungang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan at kung naihatid na, ay di na dapat pang umalis.

Isa rin sa nakita pang maaring maging problema sa pagtagal ng sitwasyong ito ay ang pagkagutom ng mga kababayan nating hindi makapag-hanapbuhay.

Sasabihan daw ng pangulo ang mga establishments na pakainin ang mga ito at "ilista" ang mga magagastos dito. "With his word of honor" babayaran daw ito ng pangulo ayon kay Panelo.

Nabanggit din nitong hindi na enhanced community quarantine ang tawag dito ng presidente kundi Luzon lockdown na.

Nararapat lamang daw na sumunod ang lahat dahil iisa lamang naman ang national guidelines kaugnay ng panukalang ito upang mapigilan na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo:

Samantala, isa rin sa mga problemang naapulahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ay ang mga walang tirahan na nasa kahabaan lamang ng Roxas Blvd.

Ayon sa Philippine Star, nasagip ang mga ito at nadala na sa Delpan Sports Complex para may maayos silang masilungan.

Sa huling tala ng Department of Health, kasalukuyan nang may 217 confirmed cases ang Pilipinas, 17 deaths at 8 na naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel