Wala siyang virus! Bagong silang na sanggol, pinangalanang "Covid Bryant"

Wala siyang virus! Bagong silang na sanggol, pinangalanang "Covid Bryant"

- Agaw-eksena sa Twitter ang post tungkol sa sanggol na pinangalanang "Covid Bryant"

- Di raw makapaniwala ang amo na ito ang ipinangalan ng kanilang kasambahay sa kanyang bagong silang na sanggol

- Kinumpirma niya ito at laking gulat niya nang malamang totoong "Covid Bryant" nga ang ipinangalan niya sa kanyang baby

- Marso 15 daw kasi ito ipinanganak at ito ang unang araw ng noo'y community quarantine pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa Twitter world ang isang post kung saan "Covid Bryant" ang ipinangalan sa bagong silang na sanggol.

Binahagi ng Twitter user na si chicprotagonist noong Marso 17 ang post kung saan di raw makapaniwala ang amo ng ina ng bata na Covid Bryant ang ipinangalan nito sa anak.

May caption itong "When you run out of names for your kid..."

Base sa post, Marso 15 daw ipinanganak ang sanggol. Matatandaang, ito ang unang araw ng noo'y community quarantine pa lamang sa Metro Manila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil tila duda ang amo, tinawagan ng amo ang kasambahay para makumpirma ito. Doon nalaman niyang Covid Bryant nga ang ipinangalan nito sa kanyang anak.

Umani ng sari-saring komento ang naturang tweet at isa na rito ay ang nagsabi na kawawa ang bata. Taon-taon raw kasi, maiisip ng mga makakaalala sa kanyang kaarawan ang hirap ng sitwasyon ng mundo dala ng COVID-19.

Bukod pa rito, dahil sa "Bryant" din ang isa pang pinangalan ng bata, maaalala naman na ito ang taon kung kailan pumanaw ang sikat na basketbolista na si Kobe Bryant.

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel