Grab driver sa Pangasinan, namimigay ng libreng sakay ngayong may quarantine

Grab driver sa Pangasinan, namimigay ng libreng sakay ngayong may quarantine

- Tampok sa social media ang isang Grab driver na namimigay ng libreng sakay sa mga Pinoy

- Naibalita na ang Grab driver ay nagmaneho pa mula ng Lingayen, Pangasinan

- Binibigyan niya ng libreng sakay ang mga taong nakikita niyang naglalakad sa kalsada

- Simula pa lang noong Martes ay namimigay na siya ng libreng sakay sa mga kababayan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ngayon ang isang Grab driver dahil sa kanyang kabutihang loob.

Nalaman ng KAMI na mula Lingayen, Pangasinan, ay nagmaneho ang Grab driver upang magbigay ng libreng sakay.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, namimigay ng libreng sakay si Michael Punzalan sa mga taong nakikita niyang naglalakad sa kalsada.

Noong Martes pa umano nagsimula magkawang-gawa si Michael para sa mga kababayan niyang hirap makahanap ng masasakyan matapos suspindehin ang mga pampublikong sasakyan sa buong Luzon.

Pinili na rin ni Michael na magpahinga sa loob ng kanyang sasakyan upang maprotektahan ang pamilya niya laban sa coronavirus disease (COVID-19).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang mga netizens naman ang natuwa sa kabutihang ipinamalas ni Michael sa mga Pilipinong nangangailangan. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Mabuhay ka kuya!..Keep safe and may God protect you and bless you more...”
“So self less.... You have my respect too... Doing what you can to serve despite the risk... God bless you and keep you safe... God bless your family and keep them safe too.”
“Mabuhay ka kuya....i will pray for your safety and good health always and i include your family...ingat kuya.”
“U have a good Filipino to give a free ride I salute u salamat syo ingat lang”
“Kuya, sobrang salamat po sa mabuti mong puso.. Pagpalain ka po ni Lord at ingatan.. Pahabain ang buhay niyo kasi our country badly needs you..”

Nauna na ngang ibinalita ng KAMI na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Dahil dito, suspendido ang mass transportation at mas naging mahigpit pa ang home quarantine ng mga Pilipino.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 217 na ang nagpositibo sa coronavirus disease sa Pilipinas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI had a hilarious time with some Kapuso Stars who took on our Tricky Questions Challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel