48-anyos na lalaki mula Cavite, ikawalong naka-recover sa COVID-19

48-anyos na lalaki mula Cavite, ikawalong naka-recover sa COVID-19

- Isa ang nadagdag sa mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Marso 19

- 15 na naman ang nadagdag sa mga nag-positibo sa COVID-19

- Mayroon na ito ngayong kabuuang bilang na 217 sa kasalukuyan

- Mariin pa ring ipinapaalala ng Department of Health ang pananatili sa mga tahanan upang mapigilan ang paglaganap pa ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walo na ang naitalang bilang ng naka-recover sa coronavirus disease 2019 sa ngayon, Marso 19.

Sa inilabas na Case Bulletin ng Department of Health, isa lamang ang dumagdag sa mga naka-recover ngayon.

Ito ay ang 48-anyos na lalaking mula Cavite at may travel history sa Japan.

Nalagak siya sa Research Institute of Tropical Medicine simula noong Marso 7.

Dalawang beses siyang nag-negatibo sa isinagawa muling COVID-19 test bago siya ma-deklara bilang ikawalong naka-recover.

Samantala, kinumpirma rin ng DOH na mayroon na namang 15 na karagdagang nag-positibo sa COVID-19 ngayong araw. Umabot na sa 217 ang kabuuan ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nananatili pa ring 17 ang pumanaw at binigyang klaro ng DOH na ang ika-labing anim na namatay ay buhay sa Bulacan at hindi sa Pasig City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mariin pa ring ipinaaalala ng DOH ang pananatili ng lahat sa kanilang mga tahanan upang maiwasan na paglaganap pa ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila kung saan may naitalang pinakamaraming kaso.

Ito ang naging dahilan kung bakit nagdeklara ng enhanced community quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ipinagbabawal ang mass public transportation.

Isa itong paraan upang hindi na raw tuluyang makalabas ang mamamayan at makaiwas sa pagkahawa sa kinatatakutang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel