Singer na si Joey Bautista, hinihinalang nasawi dahil sa COVID-19

Singer na si Joey Bautista, hinihinalang nasawi dahil sa COVID-19

- Mabilis na kumalat sa social media ang pagpanaw ng Pinoy singer na si Joey Bautista

- Batay sa mga balita, hinihinalang nasawi ang vocalist ng bandang Mulatto dahil sa coronavirus

- Pero ayon sa malapit na kaibigan nito, hindi pa sigurado kung nasawi nga ito dahil sa virus

- Napag-alaman namang may dati na pala siyang iniindang sakit at diabetic si Bautista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na kumalat sa social media ang pagpanaw ng Pinoy singer na si Joey Bautista.

Batay sa mga ulat ng GMA News at Manila Times, hinihinalang nasawi ang vocalist ng 90's band na Mulatto, dahil sa pandemic disease na coronavirus.

Sa isang tweet ni Muntinlupa City Rep. Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon, kinumpirma nito na pumanaw na nga ang singer.

"It feels different when it’s people in your circle that falls to the virus. Rest in peace, Joey Bautista," anito.

Bagamat ayon kay Biazon sa isang text message na ipinadala nito sa Manila Times, sinabing hindi pa ito sigurado kung ano tunay na ikinamatay ng singer.

Hindi rin daw nito alam kung may kaugnayan nga sa COVID-19 ang pagkamatay nito.

Ngunit sinabi nito na diabetic si Bautista.

Si Joey at ang Mulatto band ang nagpasikat ng kantang "Growing Up" na naging theme song ng youth-oriented show na T.G.I.S ng GMA Network.

As of 4 p.m. ngayong araw, 15 bagong kasong positibo sa coronavirus pa ang naitala ng Department of Health (DOH).

Sa kabuuan ay mayroon nang 217 positive case sa Pilipinas at 17 rito ang nasawi, habang 8 na ang naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang pulis Maynila ang nasawi dahil sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel