Health workers sa Pasig, gamit na ang bike na ipinahiram sa kanila papuntang ospital

Health workers sa Pasig, gamit na ang bike na ipinahiram sa kanila papuntang ospital

- Napagpasyahan ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na ipahiram na muna sa mga health workers ang kanilang bike share units

- Kamakailan ay sinabi ni Mayor Vico Sotto na kulang ang libreng biyahe sa kanilang lungsod

- Kaya naman, pinayagan niyang bumalik sa operasyon ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Pasig

- Subalit, umapela naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa naging desisyon na ito ni Sotto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinahiram ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ng bike ang mga health workers upang makarating sila sa mga ospital matapos suspindehin ng gobyerno ang mga pampublikong sasakyan sa Luzon.

Nalaman ng KAMI na hindi naging sapat ang libreng biyahe para sa libu-libong health workers sa lungsod.

Ayon sa ulat ng GMA News, upang matulungan ang mga health workers sa Pasig, napagpasyahan ng lokal na pamahalaan ng Pasig na ipahiram ang kanilang bike share units.

Sa ulat ng CNN Philippines, pinayagan ni Mayor Sotto ang mga tricycle drivers na bumalik sa operasyon pansamantala upang may masakyan ang mga health workers.

“Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa atin kung pipigilan ang pagbiyahe ng tricycle sa Pasig. May libreng sakay tayo pero ‘di nito kakayanin ang libo-libong health worker at pasyente,” paliwanag ni Mayor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, umapela naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) dito dahil mahigpit na ipinagbabawal ang anumang mass transportation ngayon dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

“Concerned talaga ang gobyerno dito sa paggamit ng tricycle dahil hindi namin lubos na makita or maintindihan paano mag-social distancing sa tricycle,” sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Naunang naibalita ng KAMI na nangako si Mayor Vico Sotto na kahit ipinatupad ang enhanced community quarantine ay matatanggap pa rin ng mga empleyado ng Pasig City Hall ang kanilang buong sahod.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI had a hilarious time with some Kapuso Stars who took on our Tricky Questions Challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel