Kapatid ng 1 sa nasawing Pinoy sa COVID-19, may panawagan sa publiko

Kapatid ng 1 sa nasawing Pinoy sa COVID-19, may panawagan sa publiko

- May panawagan ang kapatid ng isa sa mga Pinoy na nasawi sa COVID-19 para sa publiko

- Ibinahagi nito ang kanyang mensahe upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit

- Partikular itong nagpaabot ng mensahe sa lahat ng mamamayang galing o manggagaling sa ibang bansa

- Sa kanyang viral post, hinikayat nito ang marami na magtulungan upang hindi na maulit pa ang trahedyang naranasan ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang panawagan sa publiko ang ibinahagi ng kapatid ng isa sa mga Pinoy na nasawi dahil sa coronavirus disease.

Sa mensaheng ipinost ni retired Army Colonel Abe Purugganan, ibinahagi nito ang mensahe mula kay Penn Baluyot.

Anito, nais nitong ipaalam ang nangyari sa kapatid na si Ed Baluyot upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

"My FRIENDS. With sincere intentions I am sad and obliged to inform everyone of my brother's, Arriba Ed Baluyut, death as a victim of the VIRUS. I am making this public announcement to save anyone from this deadly VIRUS. If Ed's death story can save one family then his death will not go in vain. His innocence from the VIRUS I would consider him my HERO."

Ayon kay Penn, noong Pebrero, naging driver ng nakatatanda nilang kapatid si Ed, na mula naman sa Chicago, habang nasa Maynila ito.

Papunta kasi ito sa Singapore upang alagaan ang kanilang isa pang kapatid na may lung cancer. Nanatili ito roon ng limang linggo bago muling bumalik sa Maynila.

Bago ito bumalik sa Chicago ay nagkaroon muna ng dinner at despidida party para rito kasama ang kanilang pamilya, ani Penn.

Marso 8 nang magkasakit si Ed at ang misis nito na nagkroon ng ubo at lagnat.

Tuluyang lumalala ang lagay ni Ed hanggang sa bawian na ito ng buhay. Marso 12 nang makumpirmang positibo ito sa coronavirus.

Ang kapatid naman nila sa Chicago at ang asawa nito ay nagkasakit na rin. Sa loob ng dalawang linggo nito roon ay pumunta ito sa mga dinner at welcome parties kasama ang iba pang pamilya nila.

Sabi pa ni Penn, ang kanyang bayaw na palaging host sa mga dinners at party ay may sakit na rin at may mga sintomas na ng virus.

Kaya naman, hinihikayat nito ang mga mamamayang galing o manggagaling sa ibang bansa na maging maingat at magpa-self quarantine bago makisalamuha sa pamilya.

"My important message to all of us. If you or anybody arriving from different countries or states WE MUST SELF QUARANTINE US FOR 14 DAYS. DO NOT LET YOUR FAMILIES TO SEE YOU OR VISIT. FROM AIRPORT YOU MUST REMOVE YOUR CLOTHES AND SHOES STRAIGHT TO LAUNDRY TO WASH OR PUT IN BIG BLACK BAG. INFORM YOUR FAMILY TO PREPARE YOUR CHANGE OF CLOTHES AND NOT BRING YOUR CLOTHES INSIDE THE HOUSE."

Nais ng pamilya na hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya sa kanilang pamilya.

Dati nang naiulat ng KAMI ang tungkol kay Patient 35 na pinangalanan din ng kanyang anak. Emosyonal na ibinahagi nito ang nakakalungkot na pangyayari sa kanilang pamilya dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang pulis Maynila ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel