Video ng isang 78-anyos na walang tirahan sa Maynila, kumurot sa puso ng netizens

Video ng isang 78-anyos na walang tirahan sa Maynila, kumurot sa puso ng netizens

- Viral ang video ng isang lolo na hindi makapag-home quarantine dahil sa wala naman silang tirahan

- Di napigilang maglabas ng hinaing ang matanda lalo pa at nahuli sila dahil inabot na sila ng curfew sa kalsada

-Bukod pa rito, mas naging mahirap ang kanilang sitwasyon dahil hindi sila makapag-hanapbuhay

- Nanawagan ang mgatanda sa gobyerno upang matulungan sila lalo na sa panahon ngayon na laganap ang COVID-19 di lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang matandang walang tirahan sa Maynila at nasita dahil nasa kalsada pa rin sa kabila ng ipinatupad na curfew.

Binahagi ng netizen na si Lorna Lovelace ang naturang video na orihinal na kuha ni Jes Aznar.

Nakilala ang lolo na si Tatay Lamson 78-anyos na kasalukuyang nasa may Manila Bay kasama ng iba pang tulad niyang wala namang tirahan.

Ayon sa kanya, paano sila mapapanatili sa kanilang bahay kung wala naman silang tirahan.

Hindi rin daw sila makapaghanapbuhay sa panahon ngayon kung saan maraming bawal upang maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19.

Wala siyang magawa sa kasalukuyan nilang sitwasyon at maging ang kanyang anak na nasa probinsya ay di niya matawagan upang humingi ng tulong.

Pansin ang panghihimutok ng lolo sa kinakaharap na suliranin ngayon at sinabing hindi sila mamatay sa virus kundi sa gutom at "hamog' dahil wala silang masisilungan.

Sinamantala na rin niy ang pagkakataong manawagan sa gobyerno upang mabigyang pansin din ang tulad niyang mag naramdaman ang hikahos sa buhay dala ng paglaganap ng COVID-19

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video.

Marso 16 ng gabi nang ipatupad ng pangulo ang enhanced community quarantine sa Luzon partikular na sa Metro Manila.

Isa itong hakbang upang maiwasan ang matinding paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Napapaloob dito ang pagbabawal ng mass public transportation, pagkansela sa klase at maging sa mga trabaho ng pampubliko at ilang pribading sektor at pagkakaroon ng curfew mula 8pm hanggang 5am ng umaga.

Ito ay upang mapanatili na lamang ang mga mamayang Pilipino sa kani-kanilang mga tahanan sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel