COVID-19 survivor, pumanaw makalipas ang 5 araw mula nang makalabas sa ospital

COVID-19 survivor, pumanaw makalipas ang 5 araw mula nang makalabas sa ospital

- Pumanaw ang isang lalaki sa Wuhan na gumaling na raw sa COVID-19 ngunit muli na namang tinamaan ilang araw mula nang ma-discharge siya sa isa sa mga makeshift hospitals doon

- Dalawang araw pa lamang mula nang makalabas sa ospital, nakaramdam na muli siya panunuyo ng bibig at pananakit ng tiyan

- Marso 2 nang muli siyang dalhin sa ospital kung saan dead-on-arrival na ito

- Isa lamang ang pasyenteng ito sa iba pang mga naka-recover sa COVID-19 ngunit tinamaan muli ng kinatatakutang virus ng buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 36-anyos na lalaking sinasabing COVID-19 survivor na mula Wuhan, China ang pumanaw dahil sa respiratory failure.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, naganap ang pagpanaw limang araw mula nang ma-discharge ang lalaking ito sa isa sa mga makeshift hospitals sa Wuhan.

Nakilala ang lalaki na si Li Liang na na-discharge dalawang linggo matapos na ma-admit ito noong Pebrero 12.

Sa panayam ng The Paper sa asawa nitong si Mei, pangalawang araw pa lamang daw mula nang makalabas sa ospital ang mister, nakaramdam na ito ng panunuyo ng labi at pananakit ng tiyan.

Marso 2 nang bumalik ito muli dahil sa sama ng pakiramdam at sa kasamaang palad, 'dead-on-arrival' na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa binahagi naman na Death Certificate ng The Handout, makikitang COVID-19 pa rin ang sanhi ng respiratory failure na kanyang ikinamatay.

Dagdag pa ng The Paper, nag-issue rin ang Fangcang Hospital na pinagdalhan kay Li Liang ng emergency notice ng patungkol sa mga discharged COVID-19 patients na naa-admit muli dahil dinapuan muli ng kinatatakutang virus.

Sa ngayon, Marso 18, may 80,894 nang kumpirmadong kaso ang China ng COVID-19, habang 3,237 naman ang pumanaw at 69,614 na ang naka-recover.

Sa Pilipinas, kasalukuyang may 202 cases na ang naitala ng DOH at 17 sa mga ito ay nai-ulat na naka-recover.

COVID-19 survivor, pumanaw makalipas ang 5 araw mula nang makalabas sa ospital

Naglabas din ang Fangcang hospital ng emergency note patungkol sa mga naiulat na naka-recover ngunit tinamaan muli ng COVID-19
Source: Facebook

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel