Pulis Maynila, pumanaw na bago lumabas na positibo ito sa COVID-19

Pulis Maynila, pumanaw na bago lumabas na positibo ito sa COVID-19

- Pumanaw noong Sabado ang isang pulis na nakatalaga sa Maynila dahil sa coronavirus ayon yan kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, hepe ng NCRPO

- Nakumpirma ito matapos ang isinagawang test dito nitong Martes

- Nakaranas umano ang pulis ng malalang ubo, tatlong buwan na ang nakalilipas at nitong Marso ay idinaing ang pamamaga ng tonsils bago na-diagnose ng tonsil infection at possible ring pneumonia

- Hindi alam ng pamilya nito kung makikita pa nila ang kanilang padre de pamilya na nakatakdang i-cremate sa Marso 20

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw noong Sabado ang isang pulis na nakatalaga sa Maynila dahil sa coronavirus ayon yan kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, hepe ng NCRPO.

Ayon sa reports, lumabas na binawian ito ng buhay dahil sa respiratory failure at nakumpirma lamang nitong Martes na nasawi ito dahil sa COVID-19 matapos ang isinagawang test nitong Martes.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, nakaranas ng malalang ubo ang pulis, tatlong buwan na ang nakakaraan.

Noong Marso 4 ay nagpatingin ito sa FB Harrison Hospital sa Pasay City dahil sa pamamaga ng tonsils.

Marso 7 nang magpatingin naman ito sa Divine Grace Hospital nang makauwi ito at ang pamilya sa Cavite kung saan na-diagnose naman ito ng lagnat at viral infection.

Marso 8 nang bumalik ito sa Maynila kasama ang pamilya at kinabukasan ay dinala naman ang pulis sa Adventist Medical Center Manila sa Pasay, kung saan ito na-diagnose ng tonsil infection at possible pneumonia.

Dito na rin binawian ng buhay ang naturang pulis.

Ayon naman sa ulat ng Inquirer, itinuturing na PUI o "persons under investigation" ang ilang miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Metro Manila.

Sa isang panayam naman ng GMA News sa pamilya ng nasawing pulis, emosyonal ang mga ito lalo pa at hindi nila alam kung makikita pa nila ang kanilang padre de pamilya na nakatakdang i-cremate sa Marso 20.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 202 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, ayon sa DOH.

Sa isa pang report ng KAMI, dalawang PUI sa Tarlac ang nasawi bago pa man lumabas ang isinagawang test sa mga ito.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naiwan ng ating magiting na pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel