2 PUI sa Tarlac, pumanaw na bago lumabas ang resulta ng test sa kanila

2 PUI sa Tarlac, pumanaw na bago lumabas ang resulta ng test sa kanila

- Pumanaw ang dalawang PUI o "Person Under Investigation" sa Tarlac bago pa man lumabas ang resulta ng ginawang test sa kanila para sa coronavirus

- Ang impormasyong ito ay mula mismo kay Tarlac Governor Susan Yap

- Ayon kay Yap, na-admit ang mga ito sa ospital hindi dahil sa coronavirus kung 'di dahil sa preexisting illness

- Dagdag pa ng gobernador, ang isa sa mga ito ay isang bus driver na umuwi mula sa Maynila dahil sa "community quarantine"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang dalawang PUI o "Person Under Investigation" sa Tarlac bago pa man lumabas ang resulta ng ginawang tests sa kanila para sa coronavirus.

Ayon kay Tarlac Governor Susan Yap, dinala sa ospital ang dalawa noong Lunes kung saan sila namatay matapos lamang ang ilang oras, batay sa ulat ng GMA News at DZBB.

Sabi pa ni Yap, na-admit ang mga ito sa ospital hindi dahil sa coronavirus kung 'di dahil sa preexisting illness.

"Both are elderly and one had history of emphysema," anito. "They were admitted to hospital not because of COVID but because of preexisting illness. Ang health protocol ay pag may signs like umuubo, automatic pinapa-swab namin yun at pinapa-test."

Dagdag pa ng gobernador, ang isa sa mga ito ay isang bus driver na umuwi mula sa Maynila dahil sa "community quarantine".

"Nung magla-lockdown ang Maynila, marami pong taga-Maynila na umuwi ng Tarlac, ng probinsiya," ani Yap.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 202 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at mayroon nang 17 ang nasawi, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel