Heart Evangelista, nagsorry dahil sa tweets ukol sa babaeng may cancer

Heart Evangelista, nagsorry dahil sa tweets ukol sa babaeng may cancer

- Paulit-ulit na nag-sorry ang aktres na si Heart Evangelista kaugnay sa naging tweets nito tungkol sa isang babaeng may cancer

- Mabilis na nag-trend sa Twitter ang isyu na kinasangkutan ni Heart

- Maraming netizens ang tumawag sa pansin ni Heart dahil sa umano'y "insensitive tweets" nito tungkol sa bone cancer patient

- Agad namang binura ni Heart ang naturang tweet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Paulit-ulit na nag-sorry sa social media ang aktres na si Heart Evangelista kaugnay sa naging tweets nito tungkol sa isang babaeng may cancer.

Mabilis na nag-trend sa social media ang isyung kinasangkutan ng isa sa pinakakilalang aktres, vlogger at asawa ng politiko, sa Pilipinas.

Sa isang report ng GMA News, ni-repost ni Heart ang video kung saan nai-report ang tungkol sa bone cancer patient na si Cynthia Espiritu.

Dito, ipinaliwanag ni Espiritu na kinailangan niyang maglakad mula Masinag hanggang Marcos Highway para makarating sa PGH kung saan siya magpapatingin.

Kaugnay pa rin ito ng umiiral na "enhanced community quarantine" sa buong lungsod. Suspendido ang lahat ng transportasyon dahil dito.

Sabi ni Heart: "Dearest Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive. God bless you and your friend."

Kinalaunan ay niliwanag ni Heart ang kanyang statement at sinabing:

"I'm saying so many people are complaining at home while Cynthia is still trying to be very positive.

"Why are you hating so much? Guys, stop hating. Ang sama na ng mga nangyayari. Let's try to lift each other."

Maraming netizens ang tumawag sa pansin ni Heart dahil sa umano'y "insensitive tweets" nito tungkol kay Cynthia.

Agad namang binura ni Heart ang naturang tweet.

"I deleted all my previous tweets. I understand the hate. I should have elaborated on my sentiments more. I am sorry. So sorry…"

Si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay ay isa sa mga sikat na aktres at vlogger sa bansa. Kilala siya bilang isang icon at tinitingala ng marami pagdating sa fashion. Kinasal ang aktres sa dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Sa isa pang ulat ng KAMI, mabilis na nag-trend ang "yayamanin face mask" ni Heart Evangelista sa social media. Isang follower ang nakatanggap nito mula mismo sa aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel