15 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 202 na

15 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 202 na

- Nadagdagan ng 15 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Mula huling bilang na 187, 202 na ang kabuuang bilang ngayong Marso 18

- Tatlo ang nadagdag na bilang sa mga pumanaw ngunit tatlo rin naman ang mga nakarecover

- Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng walang mahalagang dahilan at laging ipinaalala ang madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing kung nasa pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

15 ang nadagdag na kaso ng coronavirus 19 sa bansa ngayong araw Marso 18.

Mula sa huling bilang nito na 187 kahapon, Marso 17 ay umakyat na ito sa kabuuang bilang na 202.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health, bukod sa nai-ulat na 15 na mga bagong pasyente, nilahad din nito na 3 ang tatlong karagdagang bilang sa mga pumanaw.

Ito ay si PH201, isang 58-anyos na mula Lanao Del Sur at may travel history mula Malaysia.

Pumanaw na agad ito bago pa lumabas ang resultang positibo siya sa COVID-19.

Ang isa naman ay si PH57 na may travel history sa London. Naka-confine siya sa The Medical City noong Marso 10 at pumanaw kahapon, Marso 17.

Isa rin si PH160, isang 86-anyos na babaeng mula sa San Juan City.

Wala siyang travel history at hindi rin daw nakahalubilo sa kumpirmadong may COVID-19.

17 na ang kabuuang bilang ng pumanaw sa ngayon.

Isang araw lamang mula nang makumpirmang siya'y may COVID-19, sumakabilang buhay na rin siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakadagdag pag-asa naman sa publiko ang tatlo ring naka-recover at gumaling.

Ito ay sina PH15, PH26 at PH13. Si PH 15 ay 24-anyos na babae mula sa Makati City. Dalawang beses na siyang nagnegatibo sa isinagawang test at napalabas na sa ospital noong Marso 15.

SI PH26 naman ay isang 34-anyos na lalaki mula sa Camarines Sur at isa siya sa dalawang repatriates ng Diamond Princess Cruise Ship.

Tulad ni PH 15, mula rin sa Makati City si PH13. Dalawang beses din siyang nagnegatibo sa isinagawang test sa kanya bago tuluyang palabasin sa ospital noong Marso 15.

Mariing ipinapaalala pa rin ng DOH ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay ng mas madalas dahil ito lamang sa ngayon ang nakikita nilang paraan upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Lagi ring isa-isip ang "social distancing" kung nasa pampublikong lugar upang makasigurong hindi basta-basta mahahawa sa mga taong nakakasalamuha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel