Larawan ng ilang kababayang mas naghirap dahil sa COVID-19, viral

Larawan ng ilang kababayang mas naghirap dahil sa COVID-19, viral

- Agaw-eksena online ang mga larawan ng mga masang mas lalong naghirap dahil sa sitwasyong dala ng COVID-19

- Karamihan sa kanila ay mga Pilipinong kinakailangang kumayod sa araw-araw dahil kung hindi, gutom ang aabutin ng kanilang mga pamilya

- Ang ilan sa kanila, ay mga drivers na sumusugal pa ring mamasada para may kitain

- Ilan naman ay mga tindera na kinakailangan pang maglakad ng ilang oras upang may makuhang pambenta

- May ilang mga netizens naman nais magpabatid ng tulong sa mga kapwa nating higit na nangangailangan ng tulong sa panahong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumurog sa puso ng mga netizens ang mga video at larawan ng ilang kababayan nating mas lalong naging mahirap ang sitwasyon dala ng COVID-19.

Nitong Marso 16 ng gabi, agarang ipinatupad ang enhanced community quaratine sa Luzon. Pinaka-naapektuhan ang Kalakhang Maynila kung saan maraming commuter dahil sa pagbabawal sa mga mass public transportation na bumiyahe pa.

Isa raw itong hakbang upang malaking bilang ng tao ang di na talaga lalabas pa ng kanilang mga tahanan.

Subalit, marami sa ating mga kababayan na hindi paawat sa panukalang ito lalo na at walang kakainin ang kanilang pamilya kung hindi sila maghahanapbuhay sa isang araw.

Tulad na lamang ng 68-anyos na si Carlota. Binahagi ni Nikolo Baua sa kanyang Twitter ang video ng matanda na nagawang maglakad mula Caloocan hanggang Divisoria para lamang may maitinda.

Huli na raw nang malaman ni Nanay Carlota ang tungkol sa enhanced community quarantine. Wala siyang nasakyan kaya naman mangiyak-ngiyak niyang sinalaysay ang hirap ng lagay kung magpipirmi lamang siya sa bahay.

Gayundin ang hinaing ng taxi driver na si Reynaldo Alcala. Isa siya sa daan-daang taxi na nahuli sa EDSA nitong Marso 17 dahil sa patuloy parin na pagpasada.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, naluluhang sinabi ni Reynaldo na "Mahirap maging mahirap."

Gutom daw ang aabutin ng kanyang pamilya kung hindi siya kakayod sa araw-araw.

Pag-aalala naman ang nadama ng netizen na si Tan Duran sa matandang tindero ng mais sa isang footbridge.

"Paano na kaya si tatay? Paano na yung pamilyang umaasa sa kanya sa pag uwi nya? Ingat po kayo tatay nawa’y gabayan po kayo ng Diyos," ang caption niya sa nakaaantig ng pusong post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala ang ilang netizens naman ay nais magpabatid ng tulong sa mga gaya nina Tatay Reynaldo at Nany Carlota.

Tulad na lamang ng ginawa ng aktres na si Bella Padilla na nakalikom na ng 3.3 million para sa mga vendors na mas ramdam ang hirap na dala ng COVID-19.

Sa naunang ulat ng KAMI, maging ang aktor na si Matteo Guidicelli ay magbibigay din ng tulong sa fundraising na ito ng aktres.

Kasalukuyan nang 202 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at mariin pa ring ipinaaalala ng Department of Health ang palagiang paghuhugas ng kamay at madalas na pagdi-disinfect ng inyong mga lugar. Isa-isip lagi ang social distancing kung kinailangang lumabas ng inyong mga tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel