Mister, nagpositibo sa COVID-19 matapos magbakasyon sa Italy kasama ang kalaguyo

Mister, nagpositibo sa COVID-19 matapos magbakasyon sa Italy kasama ang kalaguyo

- Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang mister nang siya ay bumalik sa United Kingdom

- Galing si mister sa Italy upang magbakasyon kasama ang kanyang kalaguyo

- Subalit, ang alam ng kanyang misis ay galing lang siya sa isang “business trip”

- Nasa isolation na ang lalaki, pero wala pa ring kaalam-alam si misis sa totoong nangyari sa kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mister sa United Kingdom ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos niyang magbakasyon sa Italy kasama ang ibang babae niya.

Nalaman ng KAMI na walang kaalam-alam ang asawa ni mister na siya ay pumuntang Italy.

Ayon sa ulat ng Daily Star (isinulat ni Sophie Bateman), ang paalam ni mister kay misis ay pupunta lang siya sa isang business trip sa United Kingdom. Kaya ito rin ang dahilan na sinabi niya sa kanyang misis kung paano niya nakuha ang COVID-19.

Subalit, laking gulat ni mister dahil pagbalik niya ng UK mula Italy ay nagpositibo na siya sa coronavirus.

Sabi sa ulat ng Daily Mail UK, umamin si mister sa mga opisyal ng ospital kung paano niya nakuha ang coronavirus sa Italy.

Mabuti na lang daw ay hindi pa nakansela ang mga flights sa Italy at nakabalik pa rin siya ng UK.

“Despite his infection, he is expected to survive the outbreak, unlike his extra-marital relationship,” sabi ng isang source.

“He thought he had the perfect alibi to carry out his affair but hadn't reckoned on the coronavirus meltdown. The patient is just relieved he got home before flights were cancelled - that would have taken some explaining,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay nasa isolation na si misis. Subalit, walang kamalay-malay si misis sa totoong nangyari sa kanyang mister.

Nagpa-panic ngayon si mister dahil sa kanyang kalagayan. Pero, mas kabado siya na mabunyag na ang kanyang pambababae kaysa sa kanyang kalusugan.

Isa ang Italy sa may mga pinakamaraming kaso ng coronavirus disease sa buong mundo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI went out to the streets of Manila and sought to find out if people will be able to guess the voices of their favorite celebs just by playing a recording. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel