Lalaking walang face mask, gumamit na lang ng sanitary napkin
- Kahit mukhang katawa-tawa sa paningin ng marami, pinanindigan na lamang ng isang lalaki na gumamit ng sanitary napkin bilang proteksyon laban sa coronavirus
- Ayon sa lalaki na isang driver at kinilalang si Arnel Losada, wala raw siyang mabiling face mask
- Hindi naman napigilan ng mga nakakita ang matawa sa kakaibang diskarteng ito ni Losada
- Pinayuhan naman ito ng mga awtoridad na gumamit ng face mask sa halip na napkin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Kahit mukhang katawa-tawa sa paningin ng marami, pinanindigan na lamang ng isang lalaki na gumamit ng sanitary napkin bilang proteksyon laban sa coronavirus.
Sa panayam dito ng ABS-CBN News, sinabi ng lalaki na kinilalang si Arnel Losada, na wala raw siyang mabiling face mask.
Hindi naman napigilan ng mga nakakita rito ang matawa sa kakaibang diskarteng ito ni Losada.
Pinayuhan naman ito ng mga awtoridad na gumamit ng face mask sa halip na napkin.
Hindi ito ang unang beses na mayroon naibalitang paggamit ng napkin, sa China, mabilis na nag-viral ang larawan ng isang lalaki na gumamit ng sanitary napkin bilang face mask.
Samantala, bentang-benta naman ang gimik ni Losada sa mga netizens.
"Nakakabilib talaga mga pinoy..so resourceful and full of humor..Goodjob kuya."
"D na nya ppansinin ung pagtatawanan cya basta mhalaga makaiwas din cya sa virus.My point nman c kuya."
"dko po alam kung matatawa ako o mahahabag dahil wala ng nabilhan na mask, hahahaha, pero buti nlng dn yan para safe di tatagos ang virus. Keep safe kuya."
"Better safe than sorry. Nice one kuya."
"Actually sabi mismo to ng health department na pwede gamitin ang Bra, Napkin at Diaper kung walang wala na talaga."
"Jusko tawang tawa naman ako sayo kuya. Take care po and be safe always."
Dati nang naiulat ang kakulangan ng supply ng mga face masks, alcohol at iba pang medical supplies sa gitna nang pagputok ng balita kaugnay sa pagkalat ng pandemic COVID-19 disease.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng "state of calamity" ang buong Pilipinas batay sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang naiulat ng .
Umiiral naman ang "enhanced community quarantine" sa buong Luzon sa pagnanais ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Sa huling ulat ng Department of Health, mayroon nang 187 naitalang positive case sa bansa at 14 na ang nasawi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts
TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI
Source: KAMI.com.gh