Coronavirus: Pres. Duterte, isinailalim sa state of calamity ang bansa

Coronavirus: Pres. Duterte, isinailalim sa state of calamity ang bansa

- Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "state of calamity" ang buong Pilipinas dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus

- Kasunod ito ng deklarasyon ni Pangulong Duterte noong Lunes ng "enhanced community quarantine" sa Luzon

- Ayon sa Proclamation 929, maaari itong tumagal hanggang anim na buwan o higit pa “unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant”

-Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 187 positibong kaso ng pandemic disease sa bansa at mayroon na ring 14 na nasawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "state of calamity" ang buong Pilipinas dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

Ito ay upang mas mabilis mapuksa ang pandemic disease na pumatay na sa libo-libong tao sa buong mundo.

Kasunod ito ng deklarasyon ni Pangulong Duterte noong Lunes ng "enhanced community quarantine" sa Luzon.

Ayon sa Proclamation 929, maaari itong tumagal hanggang anim na buwan o higit pa “unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant."

“Despite government interventions, the number of cases of COVID-19 continues to rise,” ayon sa proklamasyon.

“All government agencies and LGUs are enjoined to render full assistance to and cooperation with each other and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent, and appropriate disaster response aid and measures in a timely manner to curtail and eliminate the threat of COVID-19,” dagdag pa nito.

Ipinag-utos din ng presidente na lahat ng law enforcement agencies sa tulong ng Armed Forces of the Philippines na siguruhin ang kapayapaan sa mga apektadong lugar.

Ngayong araw, sinabi ng Department of Health na mayroon pang 45 na bagong kaso ng positibo sa COVID-19 sa bansa na umabot na sa 187.

14 na ang naitalang nasawi sa bansa matapos mamatay ng dalawa pang pasyente ayon sa DOH ngayong araw.

Sa kabuuan mayroon nang 187,375 kaso ng coronavirus sa buong mundo. 7,477 dito ang nasawi habang 80,848 naman ang naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Baliwag sa Bulacan, Ito pinaka-unang kaso sa nasabing bayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel