Veteran Actor Christopher De Leon, kinumpirmang nag-positibo siya sa COVID-19

Veteran Actor Christopher De Leon, kinumpirmang nag-positibo siya sa COVID-19

- 'Positive' ang naging resulta ng isinagawang test sa Pinoy Veteran Actor na si Christopher De Leon

- Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Wala raw siyang travel history ngunit marami-rami ang kanyang nakasalamuha kamakailan

- Naka-sellf quarantine na ang lahat ng kanyang mga kasama sa bahay at hiniling niya na ipagdasal sila sa kasalukuyan nilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na kinumpirma ng veteran actor at 'Love Thy Woman' star na si Christopher De Leon na tinamaan din siya ng coronavirus disease 2019.

Sa kanyang Instagram post, inilahad niya na tinawagan siya ng kanilang doktor upang ipaalam ang naging resulta ng isinagawang test sa kanya.

Nilinaw naman ni 'Boyet' na wala siyang travel history kamakailan ngunit marami-rami ang mga nakasama at nakasalamuha.

Nalaman ng KAMI na kaya niya ito binahagi upang mabigyang babala ang mga taong nakahalubili niya nitong nagdaang dalawang linggo.

Kasalukuyan na ring naka-self quaratine ang mga kasama niya sa bahay tulad ng asawa niyang si Sandy Andolong at anak na si Mica.

Pinayuhan din niya ang publiko na sundin ang lahat ng patakaran sa ngayon ng Department of Health kaugnay ng kumakalat na virus.

Hiniling din niya ang dasal para sa kanya at sa kanyang pamilya sa sitwasyong kanilang kinakaharap.

Ngayong araw, Marso 17, 45 na kaso muli ang nadagdag sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19

Mayroon na ngayong kabuuang bilang na 187 ang mga kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa.

Samantala, ayon sa DOH, may naitala na namang isang lalaking naka-recover mula sa Negros Oriental at maari nang makalabas ng ospital anumang oras.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challengeв people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel