Walang masakyan: 64-anyos na lalaki, naglakad ng 3 oras para maibili ng gamot ang amo

Walang masakyan: 64-anyos na lalaki, naglakad ng 3 oras para maibili ng gamot ang amo

- Tatlong oras na naglakad ang isang 64-anyos na lalaki mula Floodway, Pasig City hanggang Greenhills, San Juan City

- Bibili raw umano ito ng gamot para sa kanyang amo na 86-anyos na

- Dahil walang masakyan, napilitang maglakad ng matanda upang mahanap ang ipinabibiling gamot

- Pinalampas naman ito sa checkpoint ngunit ayon sa ilang netizens, sana ay tinulungan na rin itong makauwi ng maayos sa kanyang employer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumurot sa mga puso ng mga netizens ang larawan ng 64-anyos na lalaking naglakad mula Floodway, Pasig City hanggang Greenhills, San Juan City.

Binahagi ng CNN Philippines ang larawan ng matanda na mahigit tatlong oras na naglakad dahil walang masakyan.

Bahagi ito ng enhanced community quarantine na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapigilan ang mabilis na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Kasama rito ang pagbabawal ng mga mass public transportation sa Luzon, lalong lalo na sa Metro Manila.

Ayon sa matanda, kinakailangan siyang makabili ng gamot para sa 86-anyos niyang amo kaya napilitan siyang lumabas.

Pinayagan naman ito at nakalusot sa checkpoint. Ngunit ang ilang mga netizens ay nakaramdam pa rin ng pag-aalala sa matanda kung paano naman ito makakauwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"64 pero malakas ang katawan! God bless this person even more."
"But i think his employer should be considerate enough knowing the current situation."
"They still should've provided alternative transportations with provided strict social distancing and sanitary measures exclusively for those in dire need to travel. Hindi yung pag wala kang kotse, maglakad ka nalang. Not all people are privileged with employers who can give them their needs in situations like these."
"Kawawa si manong. Walking that far is super not good for his health"
"To those who are complaining that they are "bored" at home and finished all the kdrama on Netflix already. .. Please read and look at tatay's situation -who had to walk 3 hours from Pasig to Gh.. just to get medicines. This is so heartbreaking! Ipag drive nalang kita tatay!"
" This is heartbreaking but we have to do what is needed in this time of crisis. If we continue to have lapses we will be worst than Wuhan. Ingat nalang po kay Tatang at his age he is vulnerable to the virus.

Kahapon, Marso 16 nagdesisyon na ang pamahalaang Duterte na itaas na sa enhanced community quarantine ang Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa huling naila ng Department of Health na binahagi nila sa kanilang Facebook page, 187 ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ngayong araw, Marso 17, may isa na namang naka-recover at nag negatibo na sa virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challengeв people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel