Lalaking may cancer, naglakad mula Marikina hanggang QC upang kumuha ng gamot

Lalaking may cancer, naglakad mula Marikina hanggang QC upang kumuha ng gamot

- Isang lalaking may malubhang sakit ang nahirapan makahanap ng masasakyan dahil sa enhanced community quarantine

- Matapos suspindihin ang mga pampublikong sasakyan, nilakad ng lalaki ang parte ng Marikina

- Buti na lang ay may mga nagmagandang loob na isabay siya malapit sa pupuntahan niya

- Subalit, hindi rin kaagad nakuha ng lalaki ang gamot niya para sa kanyang chemotherapy dahil sarado ang mga opisina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki na may leukemia ang naglakad simula sa Marikina City hanggang sa Quezon City upang makakuha lang ng kanyang gamot para sa chemotherapy.

Nalaman ng KAMI na nahirapan ang lalaki na makakuha ng kanyang gamot dahil wala siyang masakyan ngayong ipinatupad na ang enhanced community quarantine at sinuspinde ang mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Hedel Cruz, gumawa pa siya ng isang sign upang makahingi ng tulong at may masakyan siya.

Ito ang nakasulat sa kanyang sign: “Papuntang Q.C Para Sa Aking Chemo Medicines. Makikisakay po! Salamat."

“Preparing for tomorrow. Tayo-tayo na lang talaga ang magtutulungan. Magtiwala tayo sa kabutihan ng iba sa panahon ng Epidemya. The things we do to live,” sabi niya sa kanyang Facebook post.

Laking tuwa naman ni Hedel nang may nagmagandang loob na isakay siya mula Santolan hanggang PCSO (Lung Center). Subalit, bigo si Hedel dahil sarado na ito at wala nang magaasikaso ng kanyang gamot.

Matapos niyang magpabalik-balik doon at maghintay ng matagal ay sa wakas naibigay na rin sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinatupad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 187 na ang bilang ng kaso ng coronavirus disease sa buong bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI went out to the streets of Manila and sought to find out if people will be able to guess the voices of their favorite celebs just by playing a recording. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel