Pulis, sundalo na namamahinga sa kalye, umantig sa puso ng marami

Pulis, sundalo na namamahinga sa kalye, umantig sa puso ng marami

- Umantig sa puso ng marami ang mga larawang ibinahagi ng isang netizen sa social media

- Ilang sundalo at pulis ang namataan nito na pansamantalang namamahinga sa kalye

- Isa sila sa mga itinuturing na frontliners sa gitna ng laban ng bansa sa coronavirus crisis

- Maraming netizens ang pumuri sa dedikasyon at sakripisyo ng ating mga alagad ng batas para sa kaligtasan ng maraming mamamayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso at damdamin ng maraming Pilipino ang mga larawan ng ilang pulis at sundalong namamahinga sa kalye.

Sa Facebook post ng netizen na si Arjhun Catada, ibinahagi nito ang mga larawang kuha sa Magallanes, Makati kung saan makikitang pansamantalang namamahinga ang mga alagad ng batas.

Marahil upang makapagpahinga matapos ang pagtupad ng kanilang tungkulin sa loob ng 24 oras na pagbabantay sa mga lugar na apektado ng enhanced community quarantine.

Makikita sa post ni Catada na gumagamit sila ng karton para pangsapin laban sa init ng semento.

Isa sila sa mga itinuturing na frontliners sa gitna ng laban ng bansa sa coronavirus crisis.

Maraming netizens ang pumuri sa dedikasyon at sakripisyo ng ating mga alagad ng batas para sa kaligtasan ng maraming mamamayan.

"Salute to you mga sir.. madalas ang mga health worker lng ang napapasalamatan pero dapat kyo din dahil kyo ay frontliner.. ingat din po kyo mga sir god bless sa inyo at sa mga pamilya nyo maraming salamat sa malasakit.."

"Salute to all the hard working soldiers and policemen.. Godbless you all po."

"Tama saludO akO sa lahat ng kapulisan at kasundaluhan na tumUtupad sa kanilang tUngkUlin.. Tigilan npOh ang bash hndi birO ang hirap nla."

"Pinapatupad lang naman nila kung ano order sa kanila. Saka kung meron mang hindi magandang magpatupad na pulis. Mas marami pa din yung mabuti at nagpapatupad ng maayos."

"I salute po sa lahat ng mga ka pulisan at mga sundalo natin na nag lilingkod sa bansa nati at nakikopag sapalaran. Maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo nyo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Baliwag sa Bulacan. Ito ang pinaka-unang positibong kaso sa bayan ng Baliwag, ika-lima sa buong Bulacan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel