Netizens, humanga ngunit nag-aalala para kay Pangulong Duterte

Netizens, humanga ngunit nag-aalala para kay Pangulong Duterte

- Mabiilis na nag-viral ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagmo-monitor nito sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon

- Kuha raw ang larawan bandang alas kwatro ng umaga at namataan na ang pangulo sa iba't ibang checkpoints sa Metro Manila

- Humanga ang mga netizens na nakakita ng larawan ng pangulo dahil sa dedikasyon nito at pinanindigan daw nito ang pagiging "ama ng bayan "

- Ngunit, ang ilan ay nag-alala rin para sa pangulo dahil wala manlang daw itong proteksyon gayung mabilis tamaan ng COVID-19 ang tulad niyang may edad na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang siya ay umiikot para i-monitor ang sitwasyon ng unang araw ng enhanced community quarantine sa Luzon partkular na sa Maynila.

Ilang netizens ang nakakuha ng larawan ng Pangulo na nasa mga checkpoints Sa Metro Manila.

Kuha raw ito bandang alas-kwatro ng umaga ng Marso 17. ng netizen na si Ronald Apao Cagadas.

"Parang tatay na nagchecheck sa mga anak nya-kung ok ba tayo- habang ang himbing pa ng mga tulog natin" ayon sa isa pang netizen na si Lorraine Marie T. Badoy na binahagi ang isa pang kuha ng Pangulo sa araw na nabanggit.

Dahil dito, umani ng papuri ang pangulo sa dedikasyon nito upang masiguro ang kaayusan ng sitwasyon sa pagpapatupad nito ng enhanced community quarantine.

Ngunit, mabilis din ang mga mata ng netizens at napansing wala manlang suot na mask ang pangulo.

Kapansin-pansin ito dahil ang lahat ng kasama niya sa larawan ay nakasuot ng mask.

Nag-aalala ang mga netizens para sa Pangulo lalo na at ang may edad na tulad niya ang mabilis na kapitan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga nagmalasakit na netizens kay Pangulong Duterte:

"Tatay Digong magiingat ka po palage at mgpakatatag ka po, God bless you always po"
"God bless you po Mr.president .ingatan naman.po sa kalusugan nyo.paano na kami pag me mangyari sa inyo."
"Yan ang tunay na presidente walang takot harapin ang ano mangpanganib. Mag ingat po kayo at magsuot ng mask. Godbless po"
"Sana nag mask sya pano kami kung mawala kayo kailangan nmin kayo sa pilipinas"
"Tatay Digong, magmask ka po sana, mahirap na po sa edad niyo ang tamaan pa ng virus"

Marso 16 ng gabi nang mapagpasyahan na ng pangulo na magdeklara ng enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang nakikitang paraan ng pamahalaan upang mapigilan na ang paglaganap ng COVID-19 Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challengeв people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel