Baliwag Mayor Ferdie Estrella, nagpositibo na rin sa coronavirus

Baliwag Mayor Ferdie Estrella, nagpositibo na rin sa coronavirus

- Sa pamamagitan ng social media, ipinabatid ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella na siya ay nagpositibo sa coronavirus disease

- Si Estrella ang pinaka-unang positive case sa kanilang bayan

- Ayon sa alkalde, isang linggo ang nakararaan matapos siyang makaramdam ng sintomas ng sakit at agad na nagpakonsulta

- Isinagawa naman ang agarang aksyon upang matiyak ng bayan ang kaligtasan ng marami matapos magpositibo ang kanilang punong-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng social media, ipinabatid ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella na siya ay nagpositibo sa coronavirus disease.

Ang alkalde ang pinaka-unang positive case sa bayan ng Baliwag.

Anito, isang linggo ang nakararaan matapos siyang makaramdam ng sintomas ng sakit at agad na nagpakonsulta sa doktor.

"Mga Minamahal kong Dugong Baliwag, Pusong Baliwag:

"Nais kong personal na ipabatid sa inyo, na ang inyong Punong Bayan ay nag-positibo sa Covid19, batay sa resulta ng pagsusuring inilabas ng RITM ngayong araw," ayon sa statement na inilabas ni Estrella.

Tiniyak naman nito na siya ay nasa maayos nang kalagayan at patuloy na nakatutok sa lagay ng nasasakupan.

Isinagawa naman ang agarang aksyon upang matiyak ng bayan ang kaligtasan ng marami matapos magpositibo ang kanilang punong-bayan.

Bukod kay Mayor Estrella, apat na iba pa ang positibo sa COVID-19 sa Bulacan.

Sa huling report ng Bulacan Provincial Health Office, sinabing dalawa rito ay mula sa San Jose Del Monte, isa sa Guiguinto at isa sa Malolos.

51 naman dito ay nasa ilalim ng PUI o Patient Under Investigation.

Sumasailalim ngayon sa "enhanced community quarantine" ang Luzon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Sa buong bansa mayroon nang 187 kaso ng positibo sa coronavirus at 12 rito ang namatay habang 5 naman ang naka-recover na.

Sa kabuuan, nakapagtala na ng 183,309 cases sa buong mundo at 7,177 na ang nasawi habang 79,905 naman ang gumaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel