May isang naka-recover: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, 187 na

May isang naka-recover: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, 187 na

- 45 ang nadagdag na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 19 sa Pilipinas

- 187 na ang kabuuang bilang ng mga pasyente na tinamaan ng nakamamatay na virus na ito

- Kinumpirma din ng Department of Health na mayroon namang isang Pinoy na naka-recover ngayong araw

- Maigting na pinatupad ang enhanced community quaratine kung saan binawalan na ang mga public transportation sa Luzon upang maiwasan na rin ang paglabas pa ng mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng pahayag ang Department of Health bandang alas kwatro ng hapon ngayon, Marso 17 at sinabing 187 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Facebook post sa kanilang official website, 45 na panibagong kaso ang nadagdag ngayong araw.

Sa ngayon, wala pag nilalabas na iba pang impormasyon o detalye ang DOH tungkol sa mga bagong pasyente.

Kasama rin sa pahayag ng DOH ang isa na namang naka-recover sa naturang virus.

Siya ang 31-anyos na Pinoy na mula sa Diamond Princess cruise ship na ngayon ay nasa ospital ng Negros Oriental.

Upang makasiguro, dalawang beses siya muli ginawan ng test at parehong negatibo sa COVID-19 ang resulta nito.

Maari na siyang makalabas ng ospital anumang oras ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakataas na ang enhanced community quarantine sa Luzon ayon sa deklarasyon ni Pangulong Duterte, kagabi, Marso 16.

Ito ay ang mahigpit na implementasyon ng "stay-at-home" policy upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus.

Sa kanyang naging pahayag na binahagi ng Presidential Communications page, ipinagbawal na niya ang lahat ng uri ng transportasyon sa Luzon partikular na sa Metro Manila kung saan may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Maging ang mga trabaho sa publiko at pribadong sektor ay pinakansela na nila o di kaya naman ay gawing 'work-from-home' set-up.

Sa unang araw ng implementasyon nito, tila nahirapan ang mga mamamayan ngunit sinisimulan na rin naman itong apulahan ng mga lokal na pamahalaan maging ang pamunuan ng mga pribadong opisina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel