Isang senior, inaresto ng barangay matapos makitang natutulog sa lansangan sa Maynila

Isang senior, inaresto ng barangay matapos makitang natutulog sa lansangan sa Maynila

- Inaresto sa Maynila ang isang senior citizen na nahuling natutulog sa lansangan

- Namataang natutulog ang 69 anyos sa labas matapos mag-anunsyo ng curfew ng lokal na pamahalaan

- Ayon sa police report, nagsalita raw ng hindi magaganda ang senior citizen laban sa mga barangay officials

- Kamakailan ay ipinatupad na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “enhanced community quarantine”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang senior citizen ang inaresto ng mga opisyal ng barangay sa Maynila matapos siyang makitang natutulog sa kalye kahit na ipinatupad na ang “enhanced community quarantine” sa Luzon.

Nalaman ng KAMI na namataan ang 69 anyos na babae na natutulog sa Malate matapos mag-anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila ng curfew hours.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi sa police report na pinagmumumura at ininsulto pa ng senior citizen ang mga barangay officials nang siya ay gisingin nila ng ala-una ng madaling araw.

Samantala, sa ulat naman ng Philippine Star, ilang mga Pinoy na walang matutuluyan ay natulog na lang sa kalsada kahit na may banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Naiulat ng Rappler na nagpasa ng ordinansa ang Manila City Council upang ipatupad ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naiulat ng KAMI na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.

Sa ngayon ay nasa 142 na ang lahat ng kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas na naitala ng Department of Health (DOH).

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI went out to the streets of Manila and sought to find out if people will be able to guess the voices of their favorite celebs just by playing a recording. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel