Health workers sa Makati, dinagsa ng tulong sa gitna ng krisis

Health workers sa Makati, dinagsa ng tulong sa gitna ng krisis

- Sa gitna ng krisis dahil sa coronavirus disease, nangingibabaw pa rin sa mga Pilipino ang pagtutulungan at pagbabayanihan

- Katulad na lang ng viral post ng isang registered nurse sa Makati na nakakataba ng puso

- Sa naturang post, ipinakita nito ang pagdagsa ng tulong para sa mga health workers sa Makati Medical Hospital

- Kasunod ito ng sunod-sunod na dagok sa bansa dahil sa banta ng pandemic disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng sunod-sunod na nakakalungkot na balita sa bansa dahil na rin sa krisis na kinakaharap nito dahil sa coronavirus disease, mas nangingibabaw pa rin sa maraming Pinoy ang pagtutulungan at pagbabayanihan.

Katulad na lamang ng Facebook post ng nurse na si Peejay Villanueva na kaagad na nag-viral.

Sa naturang post, ipinakita ni Villanueva ang pagdagsa ng tulong para sa mga health workers sa Makati Medical Hospital.

Nakakataba rin ng puso ang mga notes o mensahe na iniwan ng mga good Samaritans para sa ating mga frontliners.

"Sobrang nakakataba ng puso at tiyan ang buhos ng suporta at pagkain. Thank you po sa lahat! Salamat sa vitamins #makatimed God bless po. Mag ingat po tayo at magtulungan!" ayon sa FB caption ni Villanueva.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 40,000 ang shares nito sa FB.

Tila nagbigay naman ito ng inspirasyon sa marami at nagdulot din ng good vibes!

"Deserved ninyo po iyan mga mam at sir.Di man po kami makapagpadala ng pagkain o ano pa mam sa inyo lagi po kayong nasa panalangin namin.Ingat po at gabayan kayo ng Poong May Kapal."

"Kung ganito sana lahat, nakikiisa edi sana masaya ang lahat. Hays.. Kaiyak."

"Hindi ko po alam pero Tumayo balahibo ko dito sa nakikita at nababasa ko thankyou po GODBLESS."

"This kind trait of the Filipinos really gave us hope that we can fight against this virus."

"So touching God bless all of you and keep safe."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nagbigay naman 30-day payment extension ang Meralco para sa kanilang mga konsyumer, kasunod ng ipinatupad na "enhanced community quarantine" ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Kasunod ito ng sunod-sunod na dagok sa bansa dahil sa banta ng pandemic disease.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel