Senator Miguel Zubiri, kinumpirmang nag-positibo siya sa COVID-19

Senator Miguel Zubiri, kinumpirmang nag-positibo siya sa COVID-19

- Maging si Senator Miguel "Migz" Zubiri ay tinamaan na ng COVID-19

- Sa kanyang Facebook post, malungkot na pinahayag ng senador na isa siya sa kumpirmadong nagpositibo sa kinatatakutang virus

- Sinabi niyang "asymptomatic" siya dahil walang lagnat, ubo at hindi rin siya nakararamdam ng matinding sakit ng ulo

- Nabanggit rin niyang matindi ang pag-iingat na kanyang ginawa ngunit tinamaan pa rin siya ng bangis ng virus

- Nagbigay siya ng paalala na sumunod sa lahat ng panukala ng gobyerno para na rin sa kaligtasan ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinamaan din ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Senator Juan Miguel "Migz" Zubiri.

Sa kanyang Facebook post ngayon Marso 16, malungkot niyang ibinalita na maging siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Biyernes, Marso 13 nang isagawa sa kanya ang test at at makalipas ang dalawang araw, nakatanggap siya ng tawag mismo mula kay DOH Secretary Francisco Duque at sinabi sa kanya ang resulta.

Nalaman ng KAMI na Miyerkules, Marso 11 ay nag-self quarantine na siya para na rin sa kapakanan ng kanyang pamilya.

"Asymptomatic" siya o walang anumang sintomas gaya ng ubo, lagnat at matinding pananakit ng ulo at hindi rin siya nanghihina.

Di rin niya ito inaasahan sapagkat labis siyang nag-iingat sa mga nakakaharap na tao. Hindi na siya nakikipagkamay at noon pa man ay ginagawa na niya ang social distancing.

Hindi rin niya alam kung paano o sino ang nakahawa sa kanya, kaya naman napagtanto niya ang tindi ng paglaganap ng virus na ito.

Sinabi niyang patuloy pa rin niyang isasagawa ang isolation sa loob ng sampung araw.

Umaasa siyang sa susunod na magsagawa ng COVID-19 test sa kanya, negatibo na ang resulta nito.

Isang linggo na ang nakakaraan nang magsagawa ng self-quarantine ang ilang mga senador at kongresista sa bansa matapos nilang makasalamuha ang isang bisita na nag-positibo sa virus.

Ito rin ang rason kung bakit maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sumailalim din sa testing kung saan lumabas na negatibo naman siya sa naturang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenged people if they can guess these Pinoy celebrities just by listening only to their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel