'Door-to-door' graduation ceremonies, kinagiliwan ng netizens

'Door-to-door' graduation ceremonies, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng ilang netizens na ginawan ng paraan ang naudlot na graduation ceremonies ngayong panuruang taon 2019-2020

- Makikita sa mga nakakaaliw na videos na dinadala na mismo sa bahay ng estudyante ang kanilang mga sertipiko o medalya para raw sana sa kanilang recognition o graduation day

- Ang ilan, naka-toga pang lumabas ng bahay bago sabitan ng medalya

- Naaliw ang netizens sa mga video dahil sa panahon ngayon na nangingibabaw ang takot dahil sa pangambang dala ng COVID-19, mainam na makapanood sila ng mga video na makakapagpatawa sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena online ang mga nakakatuwang video ng 'door-to-door' graduation na ginagawa ng ilang mga netizens.

Ito ay dahil sa naudlot ang mga graduation rites at recognition day ng mga paaralan dahil maituturing itong malakihang pagtitipon na mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon dala ng COVID-19.

Dahil dito, naisipan ng ilang netizens na gumawa ng mga pampa-good vibes na video kung paano magagawan ng paaran na matuloy daw ang pinakaabangang "Araw ng Pagtatapos" sa kanilang eskwelahan.

Binahagi ng netizen na si Toto Minerva Gayatao ang video kung saan, pinupuntahan na lamang sa bahay ang mga graduating na estudyante.

Ang nakakatuwa pa rito, lumabas ang mag-aaral ng naka-toga at tumanggap din siya ng kanyang medalya.

Sa isa namang TikTok video, gumamit pa ng stick ang guro para maibigay ang medalya ng kanyang estudyanteng pinuntahan pa niya sa bahay.

Dahil sa mahigpita daw na ipinatutupad ang social distancing, minabuting iabot daw ang medalya gamit ang stick at ang estudyante na ang nagsuot nito sa kanya.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa mga videos na tulad nito dahil kahit na paano raw ay naibsan ang kanilang takot at pangamba dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga nasabing video.

source: https://www.tiktok.com/@kitana_08/video/6804344021469711617

Samantala, di na rin nalalayo sa mga video na ito ang nauna nang naibalita ng KAMI na graduation rites na nakatutuwang ginawa naman sa messenger.

Suspendido ang klase hanggang Abril 14 bilang bahagi na rin ng enhanced community quarantine na ipinatupad ng Pangulo bilang isa sa mga aksyon upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenge people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel