Mahigit 7,000 na katao sa Lingayen, mino-monitor sa posibleng pagkakaroon ng COVID-19

Mahigit 7,000 na katao sa Lingayen, mino-monitor sa posibleng pagkakaroon ng COVID-19

- Umabot sa 7,704 ang bilang ng mga persons under monitoring para sa coronavirus disease 2019 sa Lingayen, Pangasinan

- Ito ay matapos magsipag-uwian ang nasa Maynila sa naturang probinsya

- Karamihan sa mga ito ay mga estudyanteng agad na umuwi sa probinsya para bago pa ang community quarantine ng Metro Manila na nagsimula noong Marso 15

- Bagaman at wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar, 5 naman sa mga patients under investigation ang nag-negatibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo sa bilang na 7,704 ang mga Persons Under Monitoring sa Lingayen, Pangasinan.

Base sa ulat ni Yolanda Sotelo ng Inquirer.net, lumobo ang bilang mga taong imo-monitor ng probinsya matapos na magsi-uwian ang mga galing Maynila bago ipatupad ang community quarantine doon.

Nalaman ng KAMI na nilinaw ng mga health officials sa Lingayen na sa ngayon, wala pa rin namang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanila.

Karamihan sa 7,704 na PUMs na ito ay pawang mga estudyante sa Maynila na sinikap umuwi at makasama ang kanilang mga pamilya sa Pangasinan matapos na ideklara ang suspensyon ng klase hanggang Abril 14.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mga PUMs na ito ay sasailalim sa 14 na araw na quarantine.

Samantala, sa 11 na patients under investigation sa probinsya, lima na rito ang nakauwi at nagnegatibo sa nakamamatay na virus.

Base sa huling naitala ng Department of Health nitong Marso 15, mabilis na umakyat na sa 140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bago rin matapos ang araw na iyon, 12 na ang kumpirmadong pumanaw.

Samantala, nagdeklara na ng State of Calamity ang ilan sa mga lungsod partikular na sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Unang nagdekalara ang Quezon City na inanunsyo ng kanilang Alkalde na si Joy Belmonte sa kanilang Facebook page na Quezon City Government.

Kahapon, Marso 15 ay nagdeklara na rin si Makati Mayor Abby Binay-Campos ng state of calamity sa lungsod lalo pa at umabot na sa 14 ang kumpirmadong kaso sa lugar.

Binahagi rin niya ang kanyang video sa My Makati Facebook page.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenge people if they can guess these Pinoy celebrities just by listening to their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel