Bagong silang na sanggol, nag-positibo agad sa COVID-19

Bagong silang na sanggol, nag-positibo agad sa COVID-19

- Isang kasisilang pa lamang na sanggol sa London ang nagpositibo agad sa COVID-19

- Nalaman lang din ng ina ng sanggol na positibo sa virus matapos na lumabas ang resulta pagkapanganak niya

- Inaaalam pa kung paano nakuha ng sanggol ang naturang virus

- Pareho na silang ginagamot ngunit inilipat sa infections specialist hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang minuto pa lamang mula nang ito'y ipanganak, nagpositibo na agad sa COVID-19 ang isang sanggol sa London.

Base sa ulat ng The Guardian, dinala ang ina ng bata sa ospital sa sintomas nito ng pagkakaroon ng pneumonia.

Inabot na siya nang kanyang panganganak sa North Middlesex Hospital sa Enfield at doon pa lamang niya nalamang positibo pala siya sa coronavirus disease 2019.

Ang masaklap, maging ang kanyang kasisilang pa lamang na sanggol ay tinamaan din ng naturang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng Manila Bulletin, inaalam pa ng nasabing ospital kung paano nahawa ang sanggol.

Sa ulat naman ng The Sun, ginagamot na sa ngayon ang sanggol gayundin ang kanyang ina.

Inilipat lamang ang ina sa infections specialist hospital upang mas mapagtuunan ng pansin.

Samantala, ang lahat ng hospital staff na nakasalamuha ng mag-ina ay sumasailalim na ngayon sa quarantine upang masiguro na rin ang kanilang kaligatasan.

Kasalukuyang 140 pa rin ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at 13-anyos naman ang edad ng pinakabatang nagpositibo sa nasabing virus dito sa ating bansa. Una na itong naibalita ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenge people if they can guess these Pinoy celebrities just by listening to their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel