Bird flu, kumpirmadong nakapasok na sa Nueva Ecija ayon sa DA

Bird flu, kumpirmadong nakapasok na sa Nueva Ecija ayon sa DA

- Bukod sa coronavirus disease, binabantayan na rin ang kaso ng bird flu sa bansa

- Kinumpirma ng Department of Agriculture na nakapasok na ang highly-pathogenic H5N6 avian influenza sa Jaen, Nueva Ecija

- Ayon sa mga awtoridad, naipapasa ang sakit na ito mula sa hayop sa tao

- Sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat na "human mortality" sa bansa bagamat mayroon nang naitalang kaso sa China ng human infections dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bukod sa coronavirus disease, binabantayan na rin ang kaso ng highly-pathogenic H5N6 avian influenza o bird flu sa bansa.

Kinumpirma ito ng Department of Agriculture at sinabing nakapasok na ang bird flu sa Jaen, Nueva Ecija.

Sa isang ulat ng GMA News, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na may mga samples mula sa isang farm sa Barangay Ulanin-Pitak ang nag-positibo rito.

Isinagawa ang testing matapos mamatay ang libo-libong pugo sa lugar noong March 9.

Ayon sa mga awtoridad, naipapasa ang sakit na ito mula sa hayop sa tao.

"The highly-pathogenic avian influenza is a disease of poultry that can affect humans," ani Dar.

Sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat na "human mortality" sa bansa bagamat mayroon nang naitalang kaso ng human infections dahil dito sa China.

"Globally, there have been only a few cases of human infections and all of these were reported in China," dagdag ni Dar.

"While there is a possibility of a human transmission, napaka slim ng chance na ma-transmit ito sa tao. Based four cases of human transmission in China, so far wala pang namamatay sa H5N6," ayon sa mga opisyal batay sa ulat ng CNN Philippines.

Ayon naman sa ulat ng Inquirer, taong 2017 pa nang huling may maitalang kaso ng bird flu sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel