Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa bansa, umabot na sa 12

Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa bansa, umabot na sa 12

- Tatlong tao pa ang nadagdag sa death toll sa bansa dahil sa COVID-19

- Ito ay sa gitna ng mga hakbang at pagsisikap ng pamahalaan na maiwasan na lumaganap ang sakit

- Kabilang sa mga binawian umano ng buhay ang isang 86 anyos na lalaking Amerikano mula Marikina City

- Umabot na sa 140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong tao ang nasawi dahil sa COVID-19 ayon sa Department of Health. Isang, 86-taong gulang na American mula sa Marikina City, isang 40-taong gulang na Pinoy mula sa Pasig at isang 64-taong gulang mula sa Negros Oriental.

Isang konsehal ang 64-anyos mula sa Negros Oriental ayon kay Governor Ruel Degamo. Bago paman ito makaranas ng mga simtomas, nakapunta ito sa Greenhills Shopping Center sa San Juan kung saan matatagpuan ang isang prayer house na pinamalagian ng isang COVID-19 patient na pumanaw na rin.

Ayon sa ulat, may mga iniindang karamdaman na ang mga nasawi bago pa ito hawaan ng coronavirus.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 12 dito ang nasawi at 2 ang tuluyan nang gumaling. 5 sa kanila ang unti-unti na ring gumagaling ayon sa Kagawarang Pangkalusugan.

Sa naunang ulat, kabilang sa bagong kumpirmadong kaso ay isang 13 taong gulang na dalagita mula Quezon City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus na tinatawag sing SARS-CoV-2. Kasalukuyang nagpatupad ng community quarantine ang pangulo para sa Metro Manila kung saan marami na ang naitalang positibong kaso.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel