Presidential spokesman Salvador Panelo, nilinaw ang kanyang naging pahayag

Presidential spokesman Salvador Panelo, nilinaw ang kanyang naging pahayag

- Kasunod ng kanyang naging pahayag sa pagtatanggol sa ginagawang community quarantine, nakatanggap ng pambabatikos si Presidential spokesperson Salvador Panelo

- Kaya naman, agad niyang nilinaw ang kanyang naunang pahayag na walang mamatay sa gutom sa loob ng isang buwan

- Nilinaw niya ang dahilan kung bakit niya nasabi ang naunang statement na umani ng pambabatikos

- Aniya, ang pinakamahalaga sa lahat ay maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang kanyang naunang pahayag hinggil sa maaring mangyari sa mga tao sa loob ng isang buwan.

Matatandaang nauna na niyang sinabi na walang mamatay sa gutom sa loob ng isang buwan kung saan nasa ilalim ng community quarantine ang buong Metro Manila.

Paglilinaw niya, may mga nakalaang pagkain para sa mga tao kung sakaling dumating sa puntong wala nang makain ang ilang residente.

"Ang sabi ni [Labor] Sec. [Silvestre] Bello, mayroon tayong nakalaan para sa kanila. Marami rin nga tayong nakalaan na food packets na just in case magkaroon ng reported incidents na wala nang makain ang tao. Naka-ready tayo doon," he said.

Aniya, sabi ng doctor ay walang mamamatay sa gutom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Eh sabi sa akin noong nag-iinterbyu, ang sabi sa akin, paano kung hindi na sila papasukin, eh di mamamatay sila sa gutom. Ang sabi ko naman, hindi naman siguro mamamatay sa gutom for 30 days. Sabi naman ng mga doktor, walang mamamatay."

Paliwanag niya, bukod sa may natanggap na ring sahod nitong a-kinse, may mga kapamilya, kaibigan at mababait na kapitbahay na siguradong magbibigay ng tulong.

Iginiit niyang higit na mahalaga ang buhay ng bawat isa.

"Kumbaga, 'wag tayong mag-alala doon. Ang importante, ang buhay natin. If we are all dead, there is nothing to speak about financial losses and economy. Wala 'yun. Ang importante talaga, buhay natin eh," dagdag pa niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel