13-taong-gulang na dalagita sa QC, nagpositibo sa COVID-19

13-taong-gulang na dalagita sa QC, nagpositibo sa COVID-19

- Nagpositbo sa COVID-19 ang isang 13-taong-gulang na dalagita mula sa Quezon City

- Ito ay ayon sa ulat ng Department of Health nitong Linggo, March 15

- Siya ang pinakabatang nagpositibo at kabilang sa 29 na bagong kaso na nadagdag

- Wala siyang travel history sa mga bansang apektado ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 13-taong gulang na batang babae ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa huling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan. Ayon sa ulat, walang travel history sa ibang bansang apektado ng COVID-19 ang dalagita.

Siya ang pinakabatang tinamaan ng coronavirus disease sa bansa sa kasalukuyan. Siya ang ika 135 na kumpirmadong kaso na kabilang sa 29 na bagong naitalang kaso ng COVID-19.

Nagpasuri ang dalagita sa Quezon City Health Department matapos makaranas ng simtomas ng sakit noong March 4.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 140 kumpirmadong kaso ng COVID 19 ang bansa kabilang na ang 11 na nasawi.

Hinimok naman ni Secretary Duque ang publiko na makipagtulungan sa mga health workers at mga otoridad para mapigil ang pagkalat ng sakit na ito sa iba pang komunidad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, sundin ang mga paalala upang tuluyang maiwasan ang lalong pagkalat pa nito.

Ilan sa mga paalala ng Department of Health ay ang palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa tamang cough etiquette at social distancing.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel