Pinay sa Belgium, dinuraan ng 1 lalaki dahil sa epekto ng coronavirus

Pinay sa Belgium, dinuraan ng 1 lalaki dahil sa epekto ng coronavirus

- Hindi nakaligtas sa diskriminasyon ang ilan nating kababayan sa ibang bansa dahil sa pagkalat ng coronavirus disease

- Tulad na lang ng isang Pinay sa Belgium na dinuraan umano ng isang lalaki roon at tinawag pang "coronavirus" ng isang matanda

- Bukod sa Pinay na ito, isa ding Pinay ang binatukan naman ng isang Italyano matapos mapagkamalang Chinese

- Hindi lang ito ang kinakaharap ng ating mga kababayan dahil maging ang kanilang hanapbuhay ay apektado na rin ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi rin nakaligtas ang isa nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) sa Belgium sa diskriminasyon dahil sa coronavirus disease.

Sa isang report ng ABS-CBN News, sinabing isang Pinay sa Brussels ang dinuraan ng isang lalaki roon. Naglalakad lamang daw ito nang bigla na lang gawin ito sa kanya ng lalaki.

Ayon pa sa Pinay na hindi na ibinigay ang pagkakakilanlan, isang matanda naman ang tinawag siyang "coronavirus" nang pumasok siya sa loob ng isang botika.

Sa isang pang ulat ng KAMI, isa namang Pinay sa Italy ang binatukan ng isang Italyano matapos mapagkamalang Chinese.

Bukod sa dinaranas na ito ng ating mga kababayang OFW, problema rin ng mga ito ang kanilang hanapbuhay.

May ilan kasi na hindi na pinapapasok ng kanilang mga employer dahil sa banta ng COVID-19.

Ang Italy na naka-lockdown ngayon ay nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng coronavirus cases sa labas ng Mainland China.

Mayroon na ritong 21,157 ang naitala nang kaso ng coronavirus at umabot na sa 1,441 ang nasawi dahil sa sakit.

Ang Europa na rin ang itinuturing na epicenter ng nakamamatay na sakit ayon sa World Health Organization.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang Italian actor naman ang kinailangan pang umapela sa social media ng tulong matapos ma-trap kasama ng bangkay ng kapatid na nasawi dahil sa coronavirus, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel