Sarah Geronimo, masayang nakipag-celebrate ng kaarawan ng kanyang hipag

Sarah Geronimo, masayang nakipag-celebrate ng kaarawan ng kanyang hipag

- Masayang nakibahagi si Sarah Geronimo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang hipag na si Giorgia Guidicelli Dato

- Ito ang unang gathering ng Guidicelli family kung saan nakibahagi si Sarah bilang isa nang ganap na Guidicelli

- Makikitang tila komportable at masaya ang singer kasama ang pamilya ng kanyang asawa

- Ilang litrato ng kanilang masayang pagdiriwang ang ibinahagi sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa mga litratong ibinahagi sa social media na kuha sa pagdiriwang ng kaarawan ng kapatid na babae ni Matteo Guidicelli.

Nakisaya si Sarah Geronimo sa pagdiriwang at ngayon ay bilang isang ganap nang Guidicelli. Bakas sa mukha ng singer ang kasiyahan kasama ang pamilya ng kanyang asawa.

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Giorgia, ang hipag ni Sarah. Matatandaang naging abay si Sarah sa kasal nito noong nakaraang taon.

Ibinahagi ni Glenna Guidicelli sa social media ang ilang pictures na kuha mula sa masayang pagdiriwang ng kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ikinasal sina Sarah at Matteo sa Victory Fort sa Bonifacio Global City noong February 20, 2020 sa isang Christian wedding.

Sa kabila ng pagnanais nilang gawing mas pribado ang kanilang kasal, nabalot ng kontrobersiya ang kanilang pagpapakasal matapos magkagulo dahil sa pagtatago nila tungkol sa kanilang kasal kahit mula sa pamilya ng singer.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel