Kris Aquino, ibinahagi ang bonding moment ni Willie Revillame at anak na si Josh

Kris Aquino, ibinahagi ang bonding moment ni Willie Revillame at anak na si Josh

- Ibinahagi ni Kris Aquino sa isang Instagram post ang kanyang pasasalamat kay Willie Revillame

- Makikita sa video na kanyang ibinahagi na magkahawak na naglalakad ang panganay niyang anak na si Josh at si Willie

- Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Willie ay isa sa hinahangaang artista ng kanyang anak

- Kasalukuyang nasa beach resort ni Willie ang mag-iina matapos sa gitna ng community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Instagram post ay, ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang pasasalamat sa kabaitan ni Willie Revillame para sa kanya at sa kanyang dalawang anak.

Higit na natuwa ang kanyang panganay na si Josh na noon pa man ay iniidolo na si Willie. Sa katunayan, dalawang kanta diumano ng TV host ang paulit-ulit na pinapakinggan ni Josh.

Makikita sa ibinahaging video ni Kris na bakas ang kasiyahan sa kanyang panganay habang naglalakad at kahawak kamay pa ang kanyang Tito Willie.

Kasalukuyang nasa beach house ni Willie ang mag-iina matapos silang ipasundo ng TV host. Hindi umano sila makauwi sa kanilang bahay sa ngayon dahil kasalukuyan itong inaayos.

ate natchie took these videos of the 2 walking hand in hand this morning so i’d see kuya’s happiness. The material generosity from willie is much appreciated, pero ito po yung nagpatunaw sa puso ko bilang mama ni kuya josh, dahil ang super favorite nyang si tito willie— binigyan sya ng buong umagang bonding... sabay sila nag breakfast, nag walking, and nag swimming.

Ikinatuwa naman ng mga tagahanga ni Kris ang kabaitan ni Willie.

ow nakakatouch po miss kris❤️❤️♥️ nakakaiyak yun happiness ni kuya joshgrabe smile niya
Si Willie talaga yung friend na dapat itreasure . Thanks you for loving kuya Josh.
Super Kind po talaga ni Mr. Willie. . He is a big blessing to everybody. Eversince sa mga unang naging shows niya na napanood kopo noon, wala siyang ibang inisip kondi ang makatulong sa ibang tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel