29 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, 140 na

29 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, 140 na

- Umabot na sa 140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Marso 15 ng hapon, naitala ang 29 na karagdagang kaso ng tinamaan ng virus

- Ang masaklap, umakyat din sa 11 ang naitalang namatay

- Sa kabila nito, lima ang naitalang naka-recover sa Corona Virus Disease 2019 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nadagdagan ng 29 na pasyente ang nagpositibo sa Corona Virus Disease 2019 sa bansa ngayong hapon ng Marso 15.

Ayon sa ABS-CBN News, mula 111 na kaso bago natapos ang araw ng Marso 14, halos 30 ang nadagdag ngayong araw.

Bukod pa rito, 11 na ang naitalang pumanaw dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, tanging sina Patient 9 (PH9) na isang 86-anyos na American national mula Marikina City, PH54 na isang 40-anyos na Pinoy mula Pasig ang mga detalyeng naibibigay ng Department of Health (DOH) mula sa mga naitalang dumagdag sa bilang ng mga pumanaw.

Samantala, nagbigay naman ng pag-asa ang limang nai-ulat na naka-recover sa COVID-19 ayon sa GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa update ng datos na ibinahagi ng DOH sa kanilang website para sa araw na ito, Marso 15, ang ospital na The Medical City na may 20 na kumpirmadong kaso ang may pinakamataas na bilang pasyenteng may COVID-19.

Sumunod dito ang Manila Doctors Hospital na may 15 at Research Institute for Tropical Medicine na mayroong 13 kaso.

Ngayong araw, sinimulan din ang pagpapatupad ng community quarantine at base sa panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naging matagumpay naman ang unang araw nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenge people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel