Aktor, nanawagan para malibing ang kapatid na nasawi sa COVID-19

Aktor, nanawagan para malibing ang kapatid na nasawi sa COVID-19

- Isang nakakapanlumong video ang in-upload ng isang aktor sa Italy na na-trap kasama ang pumanaw na kapatid dahil sa coronavirus

- Ayon sa aktor na si Luca Franzese, ilang beses na siyang umapela ng tulong sa mga kinauukulan ngunit wala umanong pumunta sa kanila

- Dahil dito, ginamit ng aktor ang social media upang manawagan ng tulong

- Matapos mag-viral ng video nito, isang politiko ang gumawa ng paraan at agad na nailibing ang kapatid ni Luca nang walang seremonya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakapanlumong video ang in-upload ng isang aktor sa Italy na na-trap kasama ang pumanaw na kapatid dahil sa coronavirus.

Ang aktor ay si Luca Franzese, isang mixed martial arts trainer, pumanaw ang kanyang kapatid na si Teresa, 47-anyos, sa kanilang bahay sa Naples, Italy, noong Marso 8.

“This is a very strong video, please don’t show it to children and elderly people. I am forced in all my pain to fight this situation — I have my sister here in bed, dead. I don’t know what to do, I can’t honor her as she deserves because institutions abandoned me,” anito batay sa translation ng New York Post.

Ayon sa aktor, ilang beses na siyang umapela ng tulong sa mga kinauukulan ngunit wala umanong pumunta sa kanila.

“I am waiting for the institutions to give me answers since last night. Nobody came forward,” anito. “I contacted everyone, but nobody was able to give me an answer.”

Dahil dito, ginamit ng aktor ang social media upang manawagan ng tulong.

Matapos mag-viral ng video nito, isang politiko ang gumawa ng paraan at agad na nailibing ang kapatid ni Luca nang walang seremonya.

Sabi pa sa mga ulat, inatake umano ng epilepsy ang nasawing babae ngunit bukod dito, ito ay malusog naman batay na rin sa pahayag ni Luca.

Nagpakita ito ng sintomas ng COVID-19 ilang araw lang bago ito nasawi.

Sa pagpipilit ng aktor, sumailalim sa coronavirus testing ang kapatid kung saan napatunayang nasawi ito dahil sa sakit.

“I self-isolated myself. Today I could go anywhere to spread the virus if I have it because I gave my sister a mouth-to-mouth to keep her alive and no one cared,” anito.

Sa kabutihang-palad ay nag-negatibo sa COVID-19 si Luca ngunit dalawa sa kanilang pamilya ang positibo na rin.

Sa Italy, umabot sa 21,157 ang naitala nang kaso ng coronavirus at umabot na sa 1,441 ang nasawi rito.

Samantala, sa Pilipinas, mayroon nang 140 naitalang nag-positibo sa COVID-19 at may 11 namatay na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, naglabas ng pahayag ang anak ng isa sa mga nasawing Pinoy dahil sa coronavirus disease para sa publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel