Matandang "sako" lang ang face mask, kumurot sa puso ng netizens

Matandang "sako" lang ang face mask, kumurot sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang matandang ginupit na piraso lamang ng face mask

- Sa panahon ng pananalasa ng COVID-19, matinding dagok din sa mga tao ang mga mahahalagang bilihin tulad na lamang ng face mask na isa sa nagsisilbing panangga sa nakamamatay na virus

- Bakas sa larawan ng matanda ang mas lalong mahirap na buhay na kanilang kinakakaharap ngayon sa paglaganap ng kinatatakutang virus sa mundo

- Hangad ng marami na matulungan ang lola at mabiyayaan ito ng mga taong may kakayanan na makabili ng totoong mask at alcohol bilang proteksyon laban sa COVID-19

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakadurog ng pusong larawan ng isang matanda dahil sa kanyang face mask.

Binahagi ng Facebook page na 1K ang larawang ng matanda na yari lamang sa piraso ng sako ang face mask.

Ito na ang nagsisilbing proteksyon niya sa matinding paglaganap ngayon nakamamatay na COVID-19.

May caption ang post na "People are helpless now" na kitang-kita naman sa larawan.

Nababakas dito ang mas lalong pinatinding kahirapan ng sitwasyon ng mga taong kapos-palad.

Ang masaklap pa, ang mga tulaad ng matanda ang mabilis na kapitan ng virus at madalas na nauuwi sa biglaang pagpanaw ng sinuman na tataman ng COVID-19.

Tulad na lamang sa Pilipinas na walo na ang naitalang namatay sa COVID-19 at karamihan dito ay pawang may edad na.

Nais ng mga netizens na matulungan ang matanda at magkaroon ito ng tunay na mask na magagamit nga niya bilang proteksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Let's not forget the poor during this time of epidemic N-COV19. Let's all unite and fight the Virus together. Beacuse together as global community we could save one another."
"The picture is heartbreaking... Govt should take some steps and need to distribute free mask all over the country"
"It really breaks my heart to see this.. The gov’t should prioritize the less fortunate who can’t afford to buy a mask for their protection.. Just think of putting yourself in their situation"
"May god protect everyone especially the elders from this outbreak"
"If you don’t stop panic buying other goods will become more expensive and people that can’t afford well be effected"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel