Alex Gonzaga, may pasilip sa bagong vlog entry kasama si Ivana Alawi

Alex Gonzaga, may pasilip sa bagong vlog entry kasama si Ivana Alawi

- Makakasama ni Alex Gonzaga si Ivana Alawi sa kanyang panibagong vlog

- Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Alex ang litrato nilang dalawa

- Bilang kabilang sa mga pinakasikat na Pinoy vlogger sa YouTube, marami ang nag-aabang sa kanilang video

- Umani din ng samu't-saring reaksiyon ang picture na ibinahagi ni Alex sa Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang litrato nila ng isa sa pinakahinahangaang aktres sa kasalukuyan na si Ivana Alawi. Ayon kay Alex, dahil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, minabuti niyang ipagpaliban muna ang pagbahagi ng video nila ni Ivana na nauna na nilang ginawa tatlong linggo na ang nakakalipas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan at pag-abang sa kanilang video.

So excited for this collab.
Excited na ako! Kaso naiisip ko fake din yung nakabakat!
Cant wait OMG!!! 2 of my top most favorite vloggers!!! Love you both

Hindi maipagkakailang isa si Ivana Alawi sa sumisikat ng celebrity YouTube vlogger. Umabot na sa mahigit apat at kalahating milyon ang subscribers niya sa YouTube sa loob lamang ng halos anim na buwan simula ng maging aktibo siya sa paggawa ng vlogs.

Kinagiliwan ng publiko dahil sa pagiging palabiro at hindi maarte niya. Lalo siyang hinangaan nang mapag-alaman kamakailan na mayaman pala ito.

Sa kabilang banda, si Alex Gonzaga ang maituturing na isa sa pinakaunang celebrity YouTuber. Umabot na sa mahigit anim na milyon ang subscribers niya mula nang magsimula siya dalawang taon na ang nakakaraan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel