Malls sa Metro Manila, pinaiksi ang "operating hours" bilang bahagi ng community quarantine

Malls sa Metro Manila, pinaiksi ang "operating hours" bilang bahagi ng community quarantine

- Simula Marso 15, mas pinaiksi na ang mall hours sa mga iba' ibang shopping malls sa Metro Manila

- Unang iminungkahi na ipasara rin ito pansamantala ngunit napagkasunduang paiksiin na lamang ang operating hours ng mga ito

- Mananatiling bukas ang sa regular na mga oras ang supermarket, botika at bangko na siyang naghahain ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao

- Bahagi pa rin ito ng isang buwang "community quarantine" na magsisimula sa Marso 15 at magtatapos sa Abril 14 depende sa magiging takbo ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagkasunduan ng 17 mga alkalde ng iba't ibang lungsod sa Maynila na pansamantalang ipasara ang mga malls sa rehiyon bilang bahagi ng community quarantine na magiging epektibo sa Marso 15.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa nakikita nilang paraan upang tuluyan nang mawalan ng dahilan ang mga tao na lumabas pa upang maglibang lamang habang namimiligro ang kanilang buhay sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Base sa ulat ng Rappler, binasa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang resolusyon na inaprubahan na ng Metro Manila Council.

"The MMC strongly recommend to all Local Legislative Councils of the NCR to issue ordinary ordinances for the temporary close of malls and establishments of the same kind, except those offering essential services , groceries, supermarkets, pharmacies, restaurants with home deliveries, and establishments offering medical services from 14 March 2020 until 13 April 2020, subject to day-to-day evaluation and other exemptions that their city or municipality may enact," ang napapaloob sa naturang resolusyon.

Bukod sa mga alkalde, binubuo rin ang MMC ng ilang miyembro ng gabinete at ilang mambabatas.

Ilang oras matapos itong ipahayag, nag-anunsyo na ang ilang malls ng maagang pagsasara sa bisperas pa lang ng community quarantine ayon sa ulat ng CNN.

Samantala, naglabas naman din agad ng pahayag ang ilang mga malalaking malls sa bansa patungkol sa kanilang operating hours pagpatak ng Marso 15.

Karamihan sa mga malls ay magbubukas ng 11 ng umaga hanggang 7 ng gabi lamang.

Ngunit, mananatiling bukas ang mga supermarket, botika at bangko sa regular na oras nila bilang pagtugod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga Facebook post ng mga malls sa Metro Manila.

Kaugnay pa rin sa isasagawang community quarantine, magkakaroon na rin ng pansamantalang curfew na 8 p.m.- 5 a.m. sa NCR upang maiwasan ang matagalang pananatili ng tao sa labas ng kanilang mga bahay.

Pahihintulutan lamang na sa kalsada ang mga taong may trabaho pa rin sa ganoong oras at kinakailangan nilang magpakita ng katibayan ukol dito.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isasagawang community quarantine sa ginanap na press conference noong Marso 12 ng gabi.

Kasabay nito ang pagsuspinde muli ng klase hanggang Abril 12 ngunit sa pinakahuling anunsyo, tatagal pa ito hanggang Abril 14.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel