Simula Marso 15: Metro Manila, ipatutupad ang 8pm-5am curfew

Simula Marso 15: Metro Manila, ipatutupad ang 8pm-5am curfew

- Bilang bahagi ng 'community quarantine' sa kalakhang Maynila ipatutupad din ang 8pm hanggang 9am na curfew

- Ito ay upang maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19 sa rehiyon kung saan naroon ang karamihan ng kumpirmadong kaso nito

- Lahat ay mananagot kung mahuhuling nasa labas pa nang walang dahilan kaya nangangahulugang tanging ang mga may trabaho lamang sa mga oras na nabanggit ang maaring makita sa lansangan

- Isa ito sa nakikitang paraan upang mahigpit na ipagbawal na ang paglabas ng tao na gigimik lamang o nais lamang "maglibang" sa labas

- Kaugnay nito, pinaiksi ang oras ng mall hours sa Metro Manila sa loob ng isang buwan upang di na rin maisipan pang lumabas ng mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahigpit na ipatutupad ang '8pm to 5am' curfew sa Metro Manila kaugnay sa gagawing community quarantin' na magsisimula pagpatak ng alas dose ng hatinggabi mamayang Marso 15.

Sa pahayag si MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ang nakikita nilang paraan upang mabawasan na ang paglabas ng mga taong wala namang importanteng gagawin sa loob ng nasabing oras.

Nalaman ng KAMI na napagkasunduan ito ng 17 mga alkalde ng iba't-ibang lungsod sa kalakhang Maynila at agad na pinasa ang resolusyong ito sa kanilang lokal na pamahalaan.

Sinumang makikitang nasa labas pa sa nasabing oras ay mananagot sa kinauukulan maliban sa mga nagtatrabaho. Kinakailangan lamang nilang magpakita ng katibayang may hanapbuhay sila sa mga oras na iyon.

Ngunit ang paggimik o paglilibang lamang sa labas ng bahay simula alas otso ng gabi at mahigpit na ipagbabawal hanggang Abril 14.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa Philippine Star, ipasasara rin ang mga mall sa Metro Manila nang sa gayun ay di na maisipan pang magpunta ng mga mamamayan at manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.

Base pa sa ulat ng CNN Philippines, mananatili lamang bukas ang mga supermarket, botika, ospital, bangko at maging mga palengke para sa pangangailangan ng publiko sa pang-araw-araw.

Nangangahulugan lamang na hindi na kailangan pa nilang mag-panic buying gayung ang lahat ng kanilang pangunahing pangangailangan ay mabibili pa rin sa mga bukas na tindahan sa araw-araw.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia na binahagi ng Rappler:

Samantala, binigyang linaw ng CNN Philippines ang panukala ukol sa curfew na ito at hindi pa umano ito epektibo tulad ng community quarantine.

Nakasalalay pa rin sa lokal na pamahalaan ito at ang curfew sa buong Metro Manila ay maisasakatuparan lamang kung ito ay aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel