2 ngayong araw: Bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19, pumalo na sa 8

2 ngayong araw: Bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19, pumalo na sa 8

- Muli na namang nadagdagan ng dalawa ang bilang ng pumanaw dahil sa nakamamatay na virus na COVID-19

- Una nang naiulat ang isang ngayong umaga na natukoy bilang si PH40 habang at nasundan pa ito ng dalawa

- 64 ang pinakahuling bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Matindi na ang paghahanda ng publiko kaugnay sa 30 araw na 'community quarantine' sa Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walo na ang kabuuang bilang ng pumanaw dahil sa COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling update ng Department of Health, dalawa ang pumanaw ngayong araw, Marso 14.

Nalaman ng KAMI na ang isa ay una nang inanunsyo ng Our Lady of Mt. Carmel Medical Center sa San Fernando, Pampanga.

Una nang inanunsyo ng DOH ang pagpanaw ng 54-anyos na Pinoy mula sa Northern Mindanao Medical Center at taga-Lanao del Sur.

Samantala, una nang nai-ulat ng KAMI na umabot na sa 64 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Marso 13 ng gabi, binahagi ng Philippine Star ang impormasyon ukol sa 12 pang nadagdag na karamihan pa rin ay mula sa Metro Manila.

Sampu na ang naitalang kaso sa Makati, walo sa San Juan at anim sa Quezon City. Ang ilan pang lungsod sa Maynila ay halos may isa hanggang tatlong kaso na naitala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang oras bago ang inaasahang "community quarantine" na magiging epektibo pagpatak ng 12 ng hatinggabi, Marso 15, matinding paghahanda na ang ginagawa ng publiko lalo na ng mga awtoridad.

Isa rin sa kanilang ipatutupad ay ang pagsasara ng mga mall sa Metro Manila maliban sa mga supermarket, botika at bangko.

Mariing pinapaalala pa rin ng DOH ang madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol bilang panlinis sa kamay na siyang mabisang paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng coronavirus disease 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel