Grocery stores, dinagsa ng tao matapos ang community quarantine announcement

Grocery stores, dinagsa ng tao matapos ang community quarantine announcement

- Matapos ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, dumagsa ang mga tao sa mga grocery stores

- Ito ay kaugnay sa pagsasailalim sa Metro Manila sa community quarantine simula ngayong Linggo, March 15 ng 12:00 ng hatinggabi

- Makikita sa ilang mga litratong ibinahagi sa social media ang napakahabang pila ng mga tao sa ilang pamilihan

- Inaasahang tatagal ang quarantine ng isang buwan na magtatapos sa April 14, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumagsa ang mga tao sa mga grocery stores at iba pang pamilihan matapos ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang Metro Manila.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng alert level warning mula sa Code Red Sub level-1. Itinaas ito sa Sub level-2 kasunod ng patuloy na pagdagdag ng kaso ng COVID-19 local transmissions.

Makikita ang napakahabang pila ng mga tao sa entrance pa lamang ng mga grocery stores. Nauna nang naipaliwanag na Community lockdown ang mangyayari at hindi total lockdown.

Hindi kagaya sa kasalukuyang nangyayari sa Italy at ilang lungsod sa China, makakalabas pa rin ang mga tao sa Metro Manila sa kanilang mga bahay. Tuloy pa rin ang pagpapasok ng mga supply kaya walang dapat ikabahala ang mga tao at walang basehan ang pagpa-panic buying.

Narito ang ilan sa mga eksena sa mga pamilihan nitong mga nakaraang araw matapos ang pag-anunsiyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa epidemya na ngayon ay maitututring nang pandemic sa Wuhan, China noong November 2019. Mabilis itong kumalat kaya napagpasyahan ng pamahalaan na isalalim sa lock down ang ilang lungsod doon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang limang kaso ng pagkasawi ng COVID-19 patients dito sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel